Chapter 1

18.6K 439 31
                                    

-2-

Arci's

"Bakla! Bilisan mo nga! We're already late! Nag-umpisa na daw 'yung laro!" Hindi naman ako magkanda-ugaga na bilisan ang pagre-retouch sa aming public C.R. ng aming public school, sabeh? Dahil sa pagmamadali nga nitong bestfriend slash classmate slash kabaranggayan kong si Enerva, na kinuha ata ang pangalan sa vitamin na Enervon dahil sa pagiging always energetic nito. Spread happy!

"Bakla, ano ba! Tama na ang pagna-narrate! Super duper mega to the highest level na ang pagiging late natin!" At super duper mega to the highest level na rin ang ka-OA-han ng baklang 'to. Syempre, kailangan ko ng mahabang exposure kaya ako nagkukwento. Kaloka! "Oo na! Andiyan na!" Ipinasa ko na sa bag ko ang makeup kit ko, char! Actually, pulbos na Johnson's Baby Powder lang at lipgloss na Johnson's Baby Lipgloss lang ang gamit ko. Char! May lipgloss ba ang Johnson? Bakla siguro si Johnson kaya may product silang lipgloss. O baka naman pirated 'tong nabili ko? Well, keri lang!

Bago ako lumabas ng C.R., muli kong sinaglit ang aking kabuuan sa kabuuan ng salamin. Ganda! bulalas ng isip ko. Saka ko tuluyang nilisan ang lugar na 'yon, sabeh?

Pagkalabas ko pa lang ng C.R. ay bigla na lang akong hinawakan ni Enerva sa kamay saka ako hinila patakbo papuntang gymnasium ng school namin. "Bakla, ano ba! Kailangan ba talagang tumakbo?" talak ko habang hila-hila niya ako. Kamusta naman daw 'yung pagre-retouch ko kanina kung mahahagardo Versoza lang din ako dahil lang sa pagtakbo namin? Kaloka ang baklang 'to!

"Eh, ang tagal mo kasi eh, late na tuloy tayo," depensa nito.

Atat kasi itong manood ng basketball game ngayon ng aming school dahil maglalaro nga ang kanyang iniirog na si pafa Kevin.

Well, nakalimutan ko. Intramural meet kasi ngayon kaya may mga pa-basketball silang drama.

Syempre, atat itong si Enerva na manood para i-cheer si Kevin.

Halos crowded na ang buong gym dahil sa dami ng mga supporters ng dalawang koponan na maglalaban ngayon, which supposed to be our team at ang team ng mga third year.

Third year high school to be precise. At syempre, we're seniors na rin naman at ilang buwan na lang ay magfa-fly na ang beauty ko sa aming alma mater. Huhu! Char!

"Go, pafa Kevin!" cheer agad nitong si Enerva pagkahanap na pagkahanap namin ng mapu-pwestuhan.

Halos kakasimula pa lang naman ng laro, kaya keri lang dahil lamang ng apat na puntos ang aming koponan. Sabeh ng koponan?

Automatic na nag-landing ang aking paningin sa medyo pawisan nang si Harvard, na lagi na lang akong sinusungitan sa kadahilanang hindi ko alam. Ewan ko ba diyan! Ang init lagi ng ulo niya kapag lagi niya akong nakikita, syempre ang ending, mag-aaway kaming dalawa, as in super bangayan.

Hindi naman siguro siya galit sa mga bakla dahil kung tutuusin tatlo naman kaming bakla sa room. Pero sa 'kin lang siya nagkakaganyan. Kaimbyerna ang drama niya! At pasalamat talaga siya, gwapo siya, char!

"Bakla! 'Wag ka ngang tumunganga diyan, samahan mo nga akong i-cheer si pafa Kevin!" medyo paos na sabi nito, malamang kanina pa nagchi-cheer.

"Go, pafa Harvard! Wuhooo!" cheer ko na saktong si Harvard na ang magsho-shoot, at saktong ako lang din ang naglakas-loob na mag-cheer ng mga oras na 'yun kaya umalingawngaw ang aking, not to mention golden voice, sa buong gym, at naging dahilan pa para sumablay ang tira ni Harvard. Kaloka!

Agad na napatingin nang masama sa 'kin si Harvard, as if naman ako talaga ang may kasalanan kung bakit sablay ang tira niya. Talagang hindi lang siya marunong mag-shoot ng bola kaya huwag niya akong ina-ano diyan kung ayaw niyang siya ang i-shoot ko sa ring. Pasalamat siya, chi-neer ko pa siya. Dahil bihira ko lang gamitin ang, not to mention ulit, na golden voice ko.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon