Unedited
Arci's POV
Sabi nga daw nila, ang hindi ma-alala ng isip ay maa-alala ng puso, well, sino nga ba kasi nag sabi non?
6 years ago, na-aksidente si harvard at nawalan ng ala-ala,
Nung mga oras na'yun, sobrang nawalan na ako ng pag-asa na magiging kami pa ulit ni harvard,
Kaya ang tanging ginawa ko nalang, ay lumayo na ng tuluyan sa kanya,
Kaso, nung makita nya ako sa hospital nung mga oras na'yun, kahit hindi nya ako maalala ay lagi nya akong hinahanap,
Diba sabi ko nga? Ang hindi maalala ng isipan ay maalala ng puso.haha! Ako pala nag sabi,
'Yun na nga, gusto nyang nasa tabi nya lang ako, ewan ko ha, hindi nya na nga ako maalala pero gusto nya nasa tabi nya lang daw ako, kaya nung time na'yun, naniniwala na talaga ako sa hiwaga ng pag-ibig.
At syempre nga, dahil sa london ako mag-aaral ay no choice sya kundi sumama sakin,
Halos araw-araw kami magkasama, iisang condo unit at iisang school.
Gumawa kami ng bagong alala na kaming dalawa lang ang involved,
Walang elo, walang arjo, at walang alexa.
Kaming dalawa lang,
Pero after 2 years, bumalik lahat ng ala-ala nya,
Akala ko may magbabago, pero wala!
Mas lalong tumibay ang aming relasyon.
Mahal ko sya at mahal nya ako.
Hindi ko masasabing happy ending na ito ng aming story, kung tutuusin, wala naman talagang katapusan ang bawat kwento, kundi mag-papatuloy at magpapatuloy lang ito,
Dahil ang isang kwento ay paulit-ulit lang naman talaga, may masaya, may malungkot saka magiging masaya ulit at magiging malungkot ulit.
Ganyan ang takbo ng isang kwento, kaya hindi mo masasabing di porque naging masaya na kayo ay hindi na kayo magiging malungkot ulit.
Kaya nasa tao 'yan, kung paano mo panghawakan ang kwento ng iyong buhay, kung hahayaan mo lang maging malungkot ito, ay magiging malungkot talaga, kung gagawin mo ang lahat para maging masaya ang kwento mo, syempre magiging masaya ang lahat.
At ako? Hindi ako nangangakong puro saya lang ang magiging kwento ng buhay namin ni harvard, syempre may times na dadaan at dadaan parin kami sa mga pagsubok sa buhay.
Pero isa lang ang maipa-pangako ko, hinding-hindi ko iiwan si harvard sa kaligayahan man at kalungkutan, sasamahan ko sya sa sarap, hirap at ginhawa,
Isa lang ang natutunan ko sa mga nag daang chapters sa buhay ko.
Yun ay ang, wag na wag mong papa-kawalan ang taong labis na nagmamahal sa'yo.
At si harvard? Hinding-hindi ko na sya papakawalan pa, at kahit anong mangyari, nasa tabi nya lang ako nagmamahal sa kanya.
"I love you arci." He kissed me.
"I love you,too, harvard" I also answered his kisses.
**************WAKAS**************
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
Fiction généraleWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!