Chapter 33

4.6K 181 22
                                    

Unedited

Arci's

Hindi ako pumasok ngayong araw kahit last day na ng school festival namin ngayon. Dito lang ako sa loob ng kwarto at nakahiga,

Tatlong araw na ang nakakalipas, pakiramdam ko hanggang ngayon hinang-hina parin ako,

Marahan kong pinahid ang luhang muli na namang tumulo mula saking mga mata ng maalala ko na naman ang mga nangyari.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na kami ni harvard, mahal na mahal ko si harvard at ngayon kahit masakit at kahit mahirap,tatanggapin ko ng wala na kami, tatanggapin ko ng hindi nya ako kayang panindigan.

"Hey, tanghaling tapat nagkukulong ka dito" umupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa kararating lang na si elo.

Umupo ito sa tabi ko at humarap sakin saka nya marahang kinuha ang kamay ko at bahagya itong pinisil-pisil.

"Just always remember that I'll always be here beside you, wag mong isiping nag iisa ka, nandito lang ako naghihintay sayo" pinahid nya ang luhang pumatak mula sakin,

Bakit ba hindi nalang si elo si harvard? Bakit ba hindi nalang si elo ang minahal ko?

"Salamat" sa lahat ng mga ginawa nya sakin, tanging 'yan lang ang kaya kong sabihin, at alam kong hindi 'yun sapat.

Nginitian nya ako saka nya ako niyakap,

Sa mga araw na durog na durog ang puso ko nagpapasalamat parin ako sa diyos na binigyan nya ako ng mga mabubuting kaibigan tulad nila enerva,anika at arjo,lalong-lalo na si elo na hindi ako iniwan sa lahat ng mga hinanakit ko.

"Bumili ako ng halo-halo, tara sa baba merienda na tayo" wika nya pagka-tapos nyang kumawala ng yakap sakin.

Bumaba kami na hawak-hawak nya ang kamay ko at nagulat nalang ako ng makita ko sa baba ang nagtatawanan kong mga kaibigan na kahit anong nangyari ay hindi ako iniwan.

"Dinala ko sila dito, para naman ngumiti ka na ulit" ngiting-ngiti kong niyakap si elo, sobra na ang mga ginawa ni elo sakin, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano sya su-suklian,

"Salamat talaga elo," kahit hindi sapat ang mga salitang 'yan sana maramdaman nyang lubos akong nagpapasalamat na naging parte sya ng buhay ko.

"Hi guys!" Buong lakas at buong pusong ngiting pagbati ko sa kanila.

"Oh em gii! Hi bakla!" Si enerva na agad na lumapit sakin at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap, asar din ako sa babaeng 'to,kung tutuusin ang lapit lang ng bahay nila sa bahay ko at kung hindi pa sya dinala ni elo dito hindi pa nya ako magawang bisitahin,pashnea ang babaeng 'to.

Sumunod namang yumakap si anika sakin, at ang huli ay si arjo na mukhang mas gu-mwapo pa ata lalo,

"Na-miss kita arci. . . At masaya ako na nakikita kang nakangiti" drama ni arjo na mas lalong nagpangiti sakin.

"Kanina ka pa naka-yakap" sabi ni elo at agad na hinila si arjo palayo sakin, napakamot nalang ng ulo si arjo dahil sa ginawa ni elo,

Saka kami sabay-sabay na nag sitawanan, hays, sana kahit ngayong araw ay makalimutan ko man lang si harvard.

Kinabukasan.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon