Chapter 25

4.5K 176 15
                                    

Unedited

Kaway-kaway sa mga babaeng mahilig magbasa ng gan'tong genre !

Para san'yo to bes !

- - -

Arci's

Halos hindi ko masubo-subo ang almusal ko dahil sa mga titig na ipinu-pukol sakin ni papa,

Alam kong hanggang ngayon naguguluhan parin sya kung talaga bang kami na ni harvad,

Syempre kumpare nya ang papa ni harvard tapos malaman-laman nalang nila na ang mga lalaking anak nila ay mag jowabells jingle bells pala, diba kaloka?

"Ang pabebe mong kumain anak" natawang pigil si elo dahil sa sinabi ni mama.

Hindi ko sinagot si mama sa halip ay inirapan ko pa ito,

"Oh hon? Tapos ka na?" Tanong ni mama kay papa na bigla-bigla nalang tumatayo.

"I'm done" malamig na sagot ni papa habang nakatingin sakin, napayuko nalang ako dahil alam ko ang dahilan kung bakit ganon ang mga tinging ibina-bato nya sa'kin.

"Yung papa nyo parang timang" kunot noo naman kaming napatingin ni elo sa tinuran ni mama.

"Bakit naman po tita?" Si elo ang nag-tanong.

"Paano kagabi, inaya nya akong sundan na namin si arci, bumaba lang sya saglit at nung umakyat na sya nawalan na sya ng gana, asar nga eh, binuhos ko pa naman lahat ng feminine wash ko" muling natawa si elo sa pinag-sasabi ni mama.

Imbis na matawa ako, ay nahabag ako sa sinapit ni mama, alam ko kasi ang dahilan kung bakit nawalan ng gana si papa na makipag jerjeran kay mama.

Hays, gusto ko ng sabihin kina mama at papa ang totoo, alam kong suportado nila ako kung sakaling magkaka- boyfriend man ako ang kaso si elo ang gusto nila para sakin.

Kaya hanggat kaya ko pang ilihim,

Maglilihim ako, charoooot!

Sa school

"Again, I'm sorry guys kung nag-lihim man kami ni arci sa inyo" sinserong sabi ni harvard,

Recess na kasi kaya nandito kami ngayon sa canteen.

"Ayos lang, ang kaso nasaktan talaga ako" diretsong sabi ni arjo na ikina-"tss" na naman ni elo.

Si elo lang naman kasi ang kontrabida sa mga kaligayahan nilang lahat kaya ganyan 'yan maka-react.

"Nasaktan?" Takang tanong ni anika.

"Hindi mo pa ba alam na nag-tapat na si arjo kay arci? Ang kaso huli na ang lahat dahil nga nauna na si harvard. . Ganda din kasi nitong si arci eh" dire-direstong sagot ni enerva, na ikina-laki ng mata nya.

"Gusto ni arjo s-si arci?" Napakunot noo kaming lahat hindi dahil sa parang boses nasasaktan si anika kundi dahil bigla nalang itong lumuha.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon