Chapter 24

4.7K 205 8
                                    

Unedited

Arci's

"Sorry na bes"

Kanina pa ako humihingi ng kapatawaran kay enerva sa kadahilanang ako raw ay naglihim sa kanya tungkol sa patagong relasyon namin ni harvard.

Marahil siguro, nabanggit na sa kanya ni arjo.

At ang bruha, kung maka-tampo akala mo naman aping-api.

"Akala ko, Best Friends tayo, pero bakit kailangan mong itago sakin lahat?" Minsan ang sarap batukan ng babaeng to eh, napaka-drama,

"Oo naman, ikaw ang best friend ko, nag-lihim kami ni harvard kasi parehas kaming natatakot, takot kami sa mga pwedeng sabihin samin ng ibang tao" hindi naman sa nag-da-drama ako, pero 'yun naman ang totoo.

"Kaya ka rin ba nag lihim sakin kasi akala mo huhusgahan kita? Ano pa't naging bestfriend kita kung huhusgahan din lang naman pala kita" lukot na ang mukha nya dahil kanina pa nya sinisikap na maiyak, pero kahit isa kasi wala man lang luhang pumapatak sa kanya.

Hindi naman kasi talaga nag-tatampo ang babaeng 'to nag iinarte lang.

"Kaya nga sorry na, gagawan nalang kita ng pizza na maraming-maraming sibuyas"

At ang bruha akala mo nabiyayaan ng spot light dahil biglang lumiwanag I mean umaliwalas ang mukha ng marinig ang pizza, actually, yung sibuyas talaga eh.

"Sure, so kailan pa naging kayo?" Magiliw na nyang tanong sakin, tss! Inirapan ko nga, halos isang oras akong humihingi ng tawad sa kanya tapos sa sibuyas lang pala sya madadaan?

"Mag-iisang buwan na kami, pero bes, sana atin-atin nalang to ah?" Paalala ko sa kanya, baka kasi malaman-laman ko nalang bukas na kalat na sa buong campus na kami na ni harvard,

"Sure, but don't forget the pizza with lots of union, the white one okay?" Nginitian ko lang sya saka ko pinatay yung video call namin,

Hays, grabe, so much for this day.

Nilingon ko yung kama ko kung saan himbing na himbing na natutulog si elo.

Isa pa 'tong lalaking 'to.

Ang gu-gwapo naman nila pero bakit sakin pa sila nagkaka-gusto?

Tsk! Tsk! Minsan tuloy iniisip ko sobrang ganda ko na.

Agad na nag beep ang phone ko kaya agad ko itong tinignan.

One unread message from arjo?

From arjo:

Can we talk for a minute? Please? Dito ako sa harap ng gate nyo.

Oh no!

Paano ko sya haharapin?

Pero bahala na, kahit papaano kaibigan ko parin sya, kailangan kong mag paliwanag sa kanya, kailangan kong linawin ang saming dalawa.

Binuksan ko ang hindi kataasan naming gate at bumungad sakin ang naka-upong si arjo.

Nakatalikod sya sakin kaya lumapit na ako sa kanya at tinabihan sya sa pag-upo.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon