Chapter 35

4.6K 162 13
                                    

Unedited

Arci's

Hawak-hawak ko ang kwintas na bigay sakin ni harvard nung graduation day, it's a silver necklace na may naka-ukit na "H&A forever".

Napangiti ako sa isiping hanggang ngayon pala umaasa parin si harvard na magiging kami parin,

Ganon ba nya talaga ako ka-mahal? Kung mahal nya ako, bakit hindi nya ako pinaglaban dati? Uy, hindi ako galit ah, nagtatanong lang,

Hays, dito ako ngayon sa terrace namin naka-upo sa rocking chair habang nagpapahangin, grabe, isang linggo na naman ang matuling lumipas matapos ang graduation namin.

Bakit ba ang bilis lumipas ng panahon? Pero kahit mabilis lumipas ang panahon, yung pagmamahal ko kay harvard, hanggang ngayon dito parin sa puso ko.

Hindi ko sya magawang kalimutan dahil narin sa walang humpay nyang pag-suyo sakin dati, pero nitong nag-daang araw matapos yung tagpo namin nung graduation ay hindi na sya muli pang nagparamdam sakin.

Bakit kaya? Siguro sumuko na sya,

Napatingin ako sa gawi ng bahay nila, at doon sya sa terrace nila naka-upo din.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nakatingin din sya sakin.

Grabe, ang bilis parin ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko sya, at sya lang ang nakaka-gawa nun sakin.

"Hoy, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Naka-empake ka na ba?" Napatingin ako kay elo, "Oo, kanina pa" sagot ko.

Napabuntong hininga ako, Oo nga pala, bukas ng hapon na ang aming byahe puntang manila,

Nakapag-desisyon na kasi ako pati sina mama at papa na sasama na ako kina tita lucy at elo sa london para doon mag-aral ng college,

Pag-iniisip ko ang bagay na'yun, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko at ang naiisip ko ay si harvard, siguro marahil matagal na panahong hindi kami magkikita,

Pero kung ito lang ang paraan para makalimutan ko na sya, why not diba? Di go,go,go, na sa london, at mag move on.

"Arci! Elo! Linakayo! Kakain na tayo!" Dinig kong sigaw ni mama mula sa kusina.

"Tara?" Aya sakin ni elo, saka nya kinuha ang kamay ko,

Bago kami pumasok sa loob sinulyapan ko muna saglit ang terrace nila harvard kung saan sya naka-upo kanina, ang kaso wala na sya doon.

Kaya pumasok narin ako sa loob ng bahay para mag dinner.

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na tawanan na nagmumula sa baba,

Kaya naman bumangon na ako ng kama at dumiretso ng banyo para mag sepilyo at mag hilamos, pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na agad ako para malaman kung bakit ang iingay nilang lahat sa baba.

"Oh my! Hi guys!" Bati ko agad sa mga kaibigan ko.

"Bakla! Oh my ghad! Mamimiss kita fren" sabi ni enerva at agad ako nitong niyakap.

Mamayang hapon na pala ang alis namin puntang manila "mamimiss ko din kayo" madramang sagot ko.

Niyakap din ako ni anika at arjo na feeling ko ay may namumuo ng feelings sa pagitan nila.

"Wag mo kaming kalimutan arci ha" si anika na may pout-pout pang nalalaman,

"Pag-sinaktan ka ni elo, di lang ako arci" sabi ni arjo kaya hinampas sya ni anika sa braso, "aray! Bakit ka ba nananakit?" Naka-ngiting sabi ni arjo kay anika, nag sitawanan lang naman kami, diba sabi ko nga, may nabubuo na sa dalawang 'to, ang kaso mukhang denial at pakipot parin tong valedictorian na'to eh, ano pa bang hahanapin nya kay anika? Ang cute nga ni anika eh.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon