Unedited
Before anything else, char! Kaway-kaway sa mga nag-aabang sa "Love in the moonlight" para sa inyo 'toooo!
Np: Because I miss you by hwang chi-yeol ( na LSS ako sa kantang 'to, kahit hindi ko maintindihan)
Maliban sa EXO, si Park Bo-Gum po ay isa sa mga mahal ko.labyu! Sama nyo na si jung jin-young ng B1A4, bakit ba ang gu-gwapo ng mga fafa na'to? Kabanas!
Wag nyo nalang ako pansinin haha!
- - -
-22-Arci's PoV
Kung naka-kamatay lang siguro ang tingin, baka kanina pa pinag-lalamayan ang alexa na'yan dahil sa sama ng tingin na ipinupukol ko sa kanya.
Paano naman kasi, todo papansin kay harvard e hindi na nga sya pinapansin ng "boyfriend" ko, sabunutan nyo nga 'yang babaeng 'yan.
"So, anong masasabi nyo tula na'to?" Agad na nagtaas ng kamay ang nag mamagandang si alexa sa tanong ni sir bryan, filipino teacher namin.
"Sir, it was so good and very catchy poem" confident nyang sagot na halos ika-hagikhik namin lahat, boba bes, kaloka, saka filipino to hindi english.
"Thank you ms.derama, but aside from that? What can you say or opinion about the poem?" Agad akong nag taas ng kamay para mag pa-impress susme, running for salutatorian to uy,
"Sir, ang tula ay naglalaman ng ibat-ibang imosyon tungkol sa dalawang taong nagmamahalan, ito ay puno ng kasiyahan dahil mahal nga nila ang isat-isa, nababalot din ito ng isang matinding kalungkutan dahil, ang kanilang pag-iibigan ay bawal sa lahat ng mga mata ng mapanghusgang tao" bigla akong natahimik sa sagot ko, dahil ganitong-ganito kami ni harvard, kailangan naming itago ang kasiyahang meron kami.
"Ngunit kahit ganon paman, ipinag-laban nila ang pag ibig nila para tuluyan ng maging masaya" dugtong ko na ikina palakpak nila. Sus, maliit na bagay.
"Salamat sa napaka-gandang sagot arci," ngiti lang ang itinugon ko kay sir bryan
Tinignan ko ang pwesto ni harvard, ngumiti ako sa kanya ng nakita kong nakangiti rin syang nakatingin sakin, hanggang sa nabaling ang tingin ko kay alexa. Inunahan ko na itong irapan bago pa nya magawa, belat nya!
Maya-maya pa ay natapos narin ang halos isang oras na pagtuturo ni sir bryan kaya pinayagan na nya kami para mag break.
Nagka-yayaan naman na kami para sabay-sabay na mag break, agad naming nilapitan si harvard para ayain din tong sumabay na samin dahil alam ng lahat na kaibigan na namin sya.
"Harvard, lets go?" Pag aaya ni arjo,
"Opps, sorry samin na sasabay si harvard eh" maarteng sagot ni alexa na akala mo naman sya ang kausap.
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
Fiction généraleWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!