Chapter 31

4.4K 164 33
                                        

Unedited

Arci's

"Eh bakit sabi nya, girlfriend mo daw sya?" Tanong pa ni alexa.

"H-hindi ko alam, hindi ko alam ang sinasabi nya"

Ang mga luhang kanina pa nagwawalang bumagsak ay tuluyan ng bumagsak,

Bakit? Bakit harvard? Pinaglaban naman kita ah, pero bakit hindi ka lumaban?

Lumapit ako sa tabi ni harvard at hinawakan ko ang kamay nya habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko, napatingin sya sakin ng diretso dahil sa ginawa ko.

"H-harvard, please! Wag mong g-gawin 'to, sabihin mo ang totoo, ipaglaban mo naman ako, please! Diba sabi mo mahal mo ako?" Garalgal na ang boses ko nun, halos hindi narin ako masyadong maka-aninag dahil sa mga luha kong patuloy na bumabagsak.

Dahan-dahan nyang tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay nya kaya mas napalakas ang iyak ko dahil sa ginagawa nya.

"Please! Harvard, please, wag mong gawin sakin 'to," maka-awa kong sabi sa pagitan ng aking matinding pag-iyak. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Harvard, H-hindi ako galit, naiiintindihan kita, alam kong mahal mo ako,sabihin mo lang ang totoo, hinding-hindi ako magagalit sa'yo...just please!"

Natigil ako sa pag-iyak ng pwersahan nya akong itinulak dahilan para mapa-upo ako sa sahig. At dahil sa ginawa nya pinagtawanan ako ng lahat.

Nakatitig lang ako sa kanya, walang hikbi ngunit patuloy lang sa pag-tulo ang luha ko,

Hindi ako makapaniwalang magagawa sakin 'to ni harvard,

Binigay ko naman ang lahat ah, at ngayon ipinag-lalaban ko sya kahit nagmumukha na akong tanga at hinuhusgahan ng iba.

Pero bakit sya? Kung mahal nya ako bakit hindi nya ako maipag-laban?

"Pwede ba, a-arci, wag kang gumawa ng kwento! Dahil kahit kailan! K-kahit k-kailan hindi ako papatol sa katulad mo!"

Gusto ko nalang matunaw dahil sa nararamdaman kong sakit ngayon, yung taong nagparamdam sayo kung gaano ka kahalaga ay sya din yung taong dahilan kung bakit ka lumuluha.

Sabi nya mahal nya ako, pero bakit ngayon dine-deny nya ako?

Gusto kong matawa, para kasing kahapon lang sobrang saya namin at nagawa pa naming mag-talik dahil sa pagmamahalan namin.

Tapos ngayon, sasabihin nyang hindi sya pumapatol sa gaya ko.

Buong tapang akong tumayo at hinarap sya.

Ngumiti ako ng buong tapang kahit patuloy na tumutulo ang aking luha, durog na durog na ako kaya kahit isang ngiting mapait ay maipakita ko sa kanila na matapang ako, na naging matapang ako.

"A-ayos lang,.. . . . Ayos lang harvard," pinilit kong magsalita ng malinaw kahit pakiramdam ko wala ng boses ang lalabas sakin.

Nakatitig lang sya sakin ng walang emosyon, habang si alexa ay labis ang pag-ngisi dahil mukhang nag-tagumpay nga sya sa ginawa nya.

"N-naiintindihan ko. . . .k-kung bakit mo nagawa 'to sakin," tumawa ako ng mapait.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon