Unedited
Harvard's PoV
Nakahiga lang ako sa kama at walang ganang bumangon, hindi ko lang kayang tanggapin na wala na talaga kami ni arci.
"Pwede ba harvard, wag kang magkunwari na kaya mo akong ipagtanggol sa lahat Dahil nung mga panahong kailangan ko ng pagtatanggol mo, nung mga panahong kailangan mong ipaglaban ako. . . 'Yun din yung panahong iniwan mo ako habang lumalaban ako sa lahat, yun din yung panahong nakikita mo nang hinuhusgahan ako ng lahat ay nanatili lang tikom 'yang bibig mo habang lahat sila....pinagtatawanan ako!"
Hindi ko maiwasang sabunutan ang aking sarili ng maalala ko ang mga sinabi sakin ni arci kanina.
Tama sya, nung panahong kailangang-kailangan nya ako ay saka ko sya pinabayaan, kahit gaano ko sya ka-mahal ay nanaig parin ang pagiging duwag ko.
"simula ngayon, kakalimutan na kita, iisipin kong ni minsan hindi ka naging parte ng buhay ko. . . . At sana ganon kadin sakin"
Hindi ko kaya, hindi ko kayang kalimutan nalang ng ganon si arci, hindi ko kayang lumayo kay arci,
Mahal na mahal ko sya, at alam kong naging duwag ako, pinabayaan ko sya, iniwan ko sya sa ere at naging duwag ako, pero ngayong kaya ko na syang ipaglaban, ngayong kaya ko na syang ipagmalaki.
Hinding-hindi ako susuko sa kanya, sa ngayon kailangan ko muna syang bigyan ng space, at sana sa ilang araw na hindi ko sya lalapitan sana mabawas-bawasan narin ang pagka-muhi nya sakin kahit konti. . .sana nga!
Nakadinig ako ng mga ilang katok sa pintuan ko bago ito bahagyang bumukas.
"Harvard? Anak?" Si mama, pero hindi ko sya nilingon at nanatili lang akong nakahiga.
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at saka hinimas-himas ang likod ko, at dahil dyan hindi ko na mapigilan ang sariling mapahikbi.
Agad akong bumangon at agad na niyakap si mama habang patuloy na humihikbi,
Sa tanang buhay ko, hindi pa ako umiyak ng gan'to, maging nung maghiwalay kami ni alexa dati ay hindi ako umiyak ng gan'to at hindi ako nasaktan ng gan'to, si arci lang talaga ang nakakagawa nito sakin, at ngayong walang kasiguraduhan kong babalik pa ba si arci sakin.
"Mama, ayaw na ni arci sakin" umiiyak kong sumbong kay mama, habang himas-himas nya ang buhok ko.
"Ang duwag-duwag ko kasi ma, at kung kailan handa na akong maging matapang para sa kanya, saka naman naging huli na ang lahat para saming dalawa" isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa balikat ni mama,
"Naiintindihan kita anak, alam kong nasasaktan at nahihirapan karin, pero tatagan mo ang loob mo para kay arci, wag kang sumuko agad, ikaw narin ang nagsabi na matapang ka na ngayon at kaya mo na syang ipaglaban, kaya wag mo syang sukuan, alam kong mahal ka parin ni arci, kaya anak, hindi pa huli ang lahat para sa inyong dalawa" nagkaroon ako ng dagdag na pag-asa dahil sa mga sinabi ni mama.
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
Ficção GeralWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!