Chapter 7

8.2K 383 31
                                    

Unedited

Bear with the typos and grammar errors!

- - -
-8-

Arci's

"Walang hiya ka! Lumayas ka dito!"lumapit ako sa kanya saka sya pinaghihila palabas ng kwarto ko."teka arci! Hindi mo na ba talaga ako natatandaan? Ako 'to, si Elo"saad nya habang tulak-tulak ko sya, langya 'to!"tanga! Natatandaan kita, malamang dahil kakikita lang naman natin kanina, ang hindi ko maintindihan kung bakit nasa loob ka ng kwarto ko!"bulyaw ko sa kanya ng.tuluyan ko na syang mapalabas ng kwarto ko.

Churang gwapo 'to! Kakikilala lang namin kanina tapos ngayon nasa kwarto ko na? Edi shing!

"Anong nangyayari dito?"nagtatakang sabi ni mama habang palapit sa'min kasama si papa."mama sinong nagpapasok dito?"naaasar na tanong ko, hindi naman sa nagagalit ako, nagtataka lang ako kung bakit nakapasok ang Elo na'to sa kwarto ko, at alam kong pati kayo ay nagtataka narin, at kaway-kaway sa mga team Elo dyan na malamang sa malamang natutuwa rin sa nangyayari.hmmp! Chura!

"Tita! Bakit po ganyan na sa'kin si arci?"aba! Ang gago nagpa-awa pa sa mama ko? At ano daw? Tita talaga?"hay nako! Doon tayo sa sala lahat mag-usap mukhang nakalimutan kana nga talaga ng baklang 'yan Elo"at saka bumaba ng sala si mama kasama si papa, so magkakilala sila?

Tumingin ako sa elo na'to na nakangiti sa'kin,sinamaan ko sya ng tingin."magpaliwanag ka!"sabi ko saka ako sumunod na bumaba sa sala.

* * *

"Talaga bang hindi mo na ako natatandaan? Arci?"may halong lungkot ang boses ng gwapong 'to.

So sya pala 'yun? Yung play mate ko nung 8 years old palang ako? As in?.

Kinwento kasi samin ni mama na tumira daw kami ng halos limang buwan kina elo sa manila 'nun, bale 8 years old ako noon.

"8 years narin kasi ang naka-lipas Elo,marami ng nangyari, malaki na ang nagbago, kaya siguro hindi kana rin matandaan ni arci dahil mga bata pa kayo noon"paliwanag ni papa kay Elo na mas lalong ikinalungkot naman ni Elo, chura ng gwapong 'to,

"Bakit po ako tito? Hindi ko naman po nakalimutan si arci?"sabi nito sa malungkot na tinig, sabeh?

"Ang OA mo! Oo na natatandaan na kita!"syempre joke lang! Kunwari nalang natatandaan ko sya pero kahit ang totoo hindi naman talaga,

Bakit ba kasi walang flashback para kahit manlang papaano matandaan ko'tong gwapong 'to?

* * * Flashback * * *

"Arci promise me na babalik ka ah"malungkot nyang sabi habang pinupunasan nya ang mga luhang patuloy na nagsisibagsakan sa kanyang mga mata na marami pang morning star. Char! Maisingit lang!

Agad ko syang niyakap ng mahigpit"babalik ako elo, babalik ako dahil mahal kita"sabay tulo ng mga luha sa'king mga mata,

Nakakatanga I mean nakakatuwa ba? Imagine? Ang isang 8 years old na kagaya namin alam na ang ibig sabihin ng pagmamahal, ang magsasabing puppy love lang 'to magkakaroon ng pigsa sa pwet, kadiri diba?

"Mahal na mahal din kita arci"sabi nya ng makawala na sya sa'king pagkakayakap,

"Arci halika na"sabi ni mama sa'kin kaya mas lalong naiyak si elo sa aking pag-alis,

"Hihintayin kita arci"muling tumulo ang aking mga luha sa sinabi nya."babalik ako elo"huli kong sabi saka ako lumapit kay mama saka kami nag umpisang lumabas na ng bahay nila elo.

"Ano bang nangyayari sa inyo ni elo at nagiiyakan pa kayo? Eh mamamalengke lang naman tayo ah"

Ay, mamamalengke lang naman pala kami kung makadrama naman yung elo na'yun.

Hmmp! Pero kinilig ako sa mga sinabi nya kanina,kyaaaahhh!

* * * End Of Flashback* * *

"So natatandaan mo pa pala yung time na nagiiyakan tayong dal'wa kasi akala ko talaga aalis na kayo"

"Ayun pala mamamalengke lang naman kami"dugtong ko sa sasabihin ni elo kaya sabay kaming napatawa nang mga sampung beses,char!

Dito kami ngayon ni elo sa kwarto ko nakahiga, Oo! Simula ngayon magkatabi na kaming matulog dahil simula rin ngayon dito na muna sya titira habang nagaaral pa kami.

"Arci?"tawag nya habang pareho kaming nakatingin sa kisame.

"Umm?"tipid kong sagot.

"Mahal parin kita arci kaya ako pumunta dito.

Ikaw ba? Mahal mo parin ba ako?"

Agad akong napalingon sa kanya at napanganga, tumulo pa yung laway ko, kadiri tuloy.

"H-huh?"hindi naman sa nabigla ako, pero nabigla kong tanong sa mga sinabi nya. Grabe ine!

Lumingon din sya sa'kin kaya nag tama ang aming mga paningin,"mahal mo parin ba ako?"he sincerly asked while staring straight into my eyes.

Mahal ko pa nga ba sya? After 8 years posible pa kayang mahal ko parin sya?

Kasi naman,Hello! 8 years old palang kami nun' hindi ko naman sukat akalain na hanggang ngayon may naka-attached paring pagmamahal itong si elo sa'kin.

"Sigurado ka ba?"tanong ko sa hindi pag-sagot sa tanong nya,

Kasi naman diba? Napaka-imposible talaga, bakla lang naman ako, bakit after 8 years mahal nya parin ako,ano ako babae lang?

Saka isa pa, baka mamaya, inee-chos lang ako ng gwapong 'to,

He half smiled at me that makes me believe that he's definitely sincered about his feeling towards me.

"Sa pagmamahal ba, dapat ba talaga sigurado ka o hindi?, love is all about taking risks,you will never get the answer if you don't want to gumble"

Zzzzzz!

Inantok ako sa sinabi ng gwapong to,Chura sya! Pinapakilig nya ako.char!

Grabe! As in ba talaga? Tong gwapong to? Mahal ako?

Napakislot ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, napatingin ako ng diretso sa mga mata nya,I can see from his eyes the sincerity.

"Arci, mahal na mahal kita,

At patuloy kitang mamahalin" he said while staring straight into my eyes.

Medyo as in medyo lang naman nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa noo.
Aww~ ang sweet.

Patay! Naloko na, tong gwapong to mahal ako.

- - - -

A/N: Sorry sa mga names ng mga character kong napag-palit palit ko.gaya nung si Elo naging si arjo at si arjo naging si elo at si harvard syempre si harvard parin.char!

Nebeyen! Wala pang reads at wala rin ako mga readers huhuhu! Kawawa naman ako^^.hihi.

Guys, Vote, Comment and PLEASE DO Share.

Salamat^^,

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon