Elo's POV

4.7K 120 26
                                    

"Bata, bakit ganyan ang mga nilalaro mo?" Puna ko sa anak ng kaibigan ni mama,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bata, bakit ganyan ang mga nilalaro mo?" Puna ko sa anak ng kaibigan ni mama,

Napatingin naman ito sakin ng nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"kasi, gusto kong maging katulad ni barbie balang araw, tapos mamahalin din ako ng prince charming ko"

sabay suklay nya sa buhok ng kanyang manika.

Napangiti ako sa malumanay nyang pag-sasalita,

Nakaramdam ako ng kakaibang bilis ng tibok ng puso ko ng titigan ko ang cute nyang mukha, mula sa kanyang mahahabang pilik-mata, medyo matangos na ilong, manipis at mupla nyang labi pati sa namumula nyang pisngi.

8 years old palang ako, alam ko ng especial sya para sakin, masaya ako pag-nandyan sya at masaya ako kapag napapa-saya ko sya.

Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang paghalik ni harvard kay arci sa mga labi nito.

Nagpalakpakan ang lahat sa kanilang natunghayan, masaya ang lahat dahil sa wakas ay nahanap narin nila ang totoong kaligayahan matapos ang mga nangayari sa nakaraan.

Ngumiti ako,

Ngiting masaya dahil nakikita kong masaya na si arci.

Ngiting mapait dahil sa kabila ng lahat, hindi ko parin sya magawang kalimutan nalang,

Masakit, sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo na masaya sa iba.

Pinag-masdan ko sila habang nagsusubuan sila ng kanilang wedding cake, siguro kaya sila ang para sa isat-isa dahil bagay nga sila.

Lumabas muna ako ng hotel na'yun na pinagdadarausan ngayon ng reception.

Pumunta ako sa labas dala-dala ang isang boteng beer at may nahanap akong bench kaya umupo muna ako dito.

"It's cold here outside, what are you doing here?" Umupo sya sa tabi ko.

"Nothing, I just want to be alone" sagot ko sabay tungga ulit ng beer.

"Alam ko masakit na nakikita silang masaya-----"

"Masaya ako ma," putol ko sa sasabihin nya.

"But you're not. . . I know it's hurt, i know it's hard, but you have to be strong and you need to be happy for arci" napayuko ako sa sinabi ni mama.

"Mas- aya nga ako ma" nag-crack ang boses ko, "masa-ya a-ko ma" agad akong niyakap ni mama ng bigla akong humagulhol ng iyak.

"Masaya na ako para kay arci. . Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan, pinipilit kong itinatatak na sa puso't isipan ko na, hindi-hinding ko na makakasama pa si arci , but i can't help it"

Hindi na nagsalita pa si mama, niyakap nya lang ako habang inilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Mga ilang minuto din akong umiyak, habang yakap-yakap ni mama, mahal ko si arci eh, bakla man sa paningin ng iba basta para kay arci handa ako maging bakla.

"Thanks ma," sabi ko saka ako umayos ng upo.

"Just always remember that I'm always here, wag mong gawing mundo ang isang taong hindi naman ikaw ang iniikutan nito, try mong tumingin sa iba, baka malay mo may mahanap karing iba, yung mamahalin mo at mamahalin ka, bakit kasi hindi nyo nalang totohanin ni leslie?" Napatingin ako kay mama.

"Ma, girlfriend ko si leslie" sagot ko.

"Don't me nak, alam kong nagpapanggap lang kayo,"

"Wait, h-how? When? P-paano mo nalaman?" Kunot noo kong tanong,

Patay! Ang totoo talaga nyan, nag papanggap lang kami ni leslie para ipakita ko kay arci na, masaya na ako na hanggang mag best friend nalang kami, gusto kong ipakita sa kanya na okay na ang lahat. Na masaya narin ako, na move on na ako sa kanya, kahit ang totoo hindi pa.

"I know that its only your defense mechanism to prove to us, to prove to arci that you already moved on, to prove to arci that you're happy, but you are not!"

Napayuko ako ulit,

"Hay nako nak, maiwan na nga kita dyan" at iniwan nga ako ni mama.

Akala ko pa naman kumbinsido na silang lahat ng girlfriend ko talaga si leslie.

Hays,

Tama nga si mama, dapat siguro ibaling ko narin yung atensyon ko sa iba, kailangan ko naring buksan ang puso ko sa ibang tao.

But unfortunately, hindi kay leslie, kasi budies lang naman kaming dalawa, at pumayag din lang sakin si leslie na mag pretend bilang boyfriend ko dahil may pinagseselos din syang iba na mukhang nag seselos nga,

Hays ulit,

23 na ako, ang tagal ko na palang mahal si arci, ang tagal ko na syang pina-pangarap,

Ang kaso, mukhang hanggang pangarap nalang lahat.

At kahit masaya ka na sa piling ng iba arci, hinding-hindi parin ako aalis sa tabi mo, ako parin si elo na lagi kang ipagtatanggol, ako parin si elo na lagi kang papasayahin,

Ako parin to arci na lagi kang mamahalin.

At kahit marami ng nangyari, at kahit marami pang mangyayari,

Nandito lang ako, para sayo,

Hinding-hindi kita makakalimutan.

Dahil mahal na mahal kita. . .

Arci. .

****

A/n: ginawan ko ng POV si elo dahil gusto kong malaman nyo ang totoo nyang nararamdaman, huhuhu!

Ang totoo nyan, sa kalagitnaan ng storyang ito ay naguguluhan talaga ako kung sino kina harvard at elo ang makakatuluyan ni arci.

At 'yun nga, si harvard ang nakatuluyan nya kaya naman super broken si elo ngayon.

Huhuhu! Ako nalang kasi elo!

Ayan!

Muli maraming-maraming salamat po ulit sa mga nag-tiyaga na basahin ang kwentong 'to,

Kaya naisipan kong gawan din ng sarili nyang kwento si elo, huhuhu! Pero hindi pa ngayon! Pero kung maraming mamimilit! Ay why not! Gagawa agad ako ng sypnosis! Hahahaha!

Ayon lang talaga!

Maraming salamat poooo!😀😀

Dedicated to VinceVv gabbyjypretty

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon