Chapter 23

5.1K 192 9
                                    

Unedited

Arci's

2 weeks later,

Dalawang linggo ang lumipas, naging busy ako sa pagpa-practice sa banda dalawang linggo nalang kasi intramural meet na.

Sa dalawang linggong 'yun, lagi parin kaming nagba-banggaan ni alexa with her 2 friends, at syempre lagi paring nandyan sina elo,arjo at harvard para ipag-tanggol ako, kung tutuusin sa loob ng dalawang linggo halos wala naman talagang nag-bago.

At yung relasyon namin ni harvard, ganon parin, inililihim parin namin sa lahat,

Mahirap mag-ingat pero masaya, walang araw na hindi ako tumawa at ngumiti, pakiramdam ko ako na ang pinaka-masayang bakla sa balat ng wattpad este sa lupa.

Wag nyo sanang isipin na ending na'to di ko din alam kung bakit ganito yung point of view ko.

Siguro, sadyang masaya lang talaga ako.

"For you. . Arci" napatigil ako sa pag-pupunas ko ng pawis ng biglang may mag-abot sakin ng isang burger at juice.

"Salamat. . . .Paulo" sabi ko saka ko sya ginantihan ng isang ngiti.

Tumabi sya sakin ng upo sa isa sa mga bleacher sa gym na aming pinagpa-practisan ngayon.

"Sa lahat ng boses na narinig ko. . . Sayo ang pinaka-gusto ko" sabi nito na ikina-ngiti ko naman,

"Ano ka ba, maliit na bagay" pabiro kong sagot na ikinatawa nya, sa halos ilang linggo na naming nagkakasama habang nagpa-practice sa banda ay naging malapit narin ako sa lahat ng mga ka-band member ko,lalo na'tong si paulo.

Pareho kaming nagtatawanan ni paulo ng mabaling ang tingin ko kay arjo na hawak-hawak ang gitara sa kabilang bleacher,

Masama ang tingin na ipinu-pukol nya kay paulo, teka kay paulo? Bakit? Galit ba sya dito?

"May alitan ba kayo ni arjo?" Mahina kong tanong kay paulo, tumingin ito sakin na naka-kunot ang noo.

"Ha?"

"Kasi tignan mo oh, ansama ng tingin sa'yo" sumulyap si paulo kay arjo at nang malaman nyang tama nga ako ay bigla nalang itong ngumisi.

"Confirmed" sabi nito na ikina-salubong ng kilay ko.

"A-anong confirm?" Takang tanong ko kay paulo na kay arjo parin ang mga tingin. Kina-kabahan kasi ako, ang lakas maka-bakla nung 'confirmed'

Sa halip na sagutin ako ni paulo ay bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang diretsong nakatingin sakin.

Nanlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan nyang haplusin ang mukha ko.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Pinaglalaruan ba ako nito?

"H-hoy, a-anong nangyayari s-sayo?" Utal-utal kong tanong dito.

"Arci. . . . Ayaw ko ng itago 'tong nararamdaman ko sayo" sabi nya na ikinagulantang ng utak ko.

Anong nararamdaman?

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko na hawak-hawak nya ngunit malakas ang pagka-kahawak nya dito.

"Paulo, ano bang nangyayari sayo?" Lakas loob kong tanong sa kanya na diretsa paring nakatingin sakin.

"Mahal kita arci" napa-nganga at mas dumoble pa ang laki ng mata ko sa pagsisiwalat nya.

Kaya ba ang bait-bait nya sakin kasi gusto nya ako? Dafak! Parang kanina lang binigyan nya ako ng burger at juice tapos ngayon may pagtatapat ng ganap?

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon