Unedited
Dedicated to gabbyjypretty
Salamat sayoooooo!,
- - -
-19-Harvard's POV
Halos buong araw nakadikit sakin si alexa at buong araw din akong badtrip.
Ni hindi ko na nga malapit-lapitan si arci dahil kay alexa.
Sinulyapan ko si arci na masayang nakikipag-usap kina elo. Nginitian ko sya ng tumingin din sya sakin. Hay,kailangan kong bumawi sa kanya, kailangan kong iparamdam sa kanya na mahalaga sya sakin.
Dahil ayaw kong mawala sya sakin
*plasbak*
Kakalabas ko palang ng cr ng bigla akong harangin ni elo.
Problema ne'to?
"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryoso n'yang tanong sakin, na ikinakunot ng noo ko.
Ano namang paguusapan namin?
Pumunta kami ng gymnasium saka doon kami ng usap ng masinsinan.
"Alam ko na ang tungkol sa inyo ni arci" nabigla at kinabahan ako sa una nyang sinabi. Teka? Paano naman nya nalaman?
"Sinabi nya ba sayo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Yumuko sya saka sumagot "sinundan ko kayo nung gabing 'yon, kaya nalaman ko lahat" ewan ha, pero pakiramdam ko nasasaktan ngayon si elo.
Hindi kaya gusto rin nya si arci? Suta Hena! Wag mo sabihing pareho na kaming nababakla kay arci? Pero hindi ako bakla uy, straight to straight at nagkataon lang na kau arci tumibok ang puso ko.ang corny kingina,
"So anong gusto mong sabihin?" Seryoso ulit na tanong ko sa kanya saka ako tumingin sa malayo.
"Naging M.U kami ni arci bago naging kayo, tss! Pero sa tingin ko ikaw talaga ang mahal nya dati pa"
Mas lalong kumunot ang noo ko, so kaya pala minsan sobrang protective nya kay arci kasi M.U sila? As in mutual understanding? Bakit? Eh kami ni arci mag M.U din naman kami ah. 'Mag-Un' suta yna, last na'yun.
"Kung tutuusin mas kaya kong ipagmalaki si arci kesa sayo, pero kung ang gusto nyo ay itago muna sa lahat kung anong meron kayo, wala na akong magagawa doon..ang akin lang, wag na wag mong sasaktan si arci. . .dahil once na nasaktan sya dahil sayo. . .kukunin ko kung ano ang dapat sakin" lalaking-lalaki na sabi nya sakin.
*End op Plasbak*
Kaya dapat gawin ko ang lahat para mapasaya si arci.
Naalala ko na paborito nya ang adobong manok kaya kahit hindi ako marunong mag luto ay sinubukan ko paring lutuin para sa kanya.
"Wow, ang sarap naman ng ulam natin anak" sabi ni mama mula sa likuran ko. Inamoy amoy nya ang usok ng tuluyan na syang makalapit sakin.
"Ma, sorry pero hindi 'to para sa'tin" tumingin ako ng nakangiti kay mama habang sya ay naka-kunot ang noo.
"Eh, sinong kakain dyan?" Takang tanong ni mama.
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
Ficção GeralWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!