Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Arci's POV
Muli akong napahagulhol ng iyak ng makita ko ang kamay kong may bakas na ng natuyong dugo ni harvard.
Nasa Emergency room na sya ngayon, at ginagamot na ng mga doctor, pero hindi parin humuhupa ang matinding kaba at takot sa dibdib ko.
Paano pag tuluyan na nga syang mawala sakin? Hinding-hindi ko kakayanin 'yun at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Don't worry arci, magiging okay din si harvard" saka hinaplos ni tita ang mama ni harvard ang aking likuran.
"I'm sorry po tita, kung nakipag-ayos lang sana ako ng mas maaga kay harvard, hindi sana nangyari ang lahat ng 'to" sabi ko sa pagitan ng aking mga paghikbi.
"Wala kang kasalanan, arci, hindi naman natinginusto ang mganangyari, ang kailangannatinngayon ay mag dasal para saikaliligtas ni harvard" agad kong niyakap si tita, sa kabila ng lahat, hindi parin nya nagawang magalit sakin.
"Nasaan po pala si mama?" Tanong ko kay tita. "Nasa chapel sila anak, kasama ang mgakaibigan mo"
Napangiti ako, marahil ipinag-darasal nila na sana makaligtas si harvard sa pagsubok na ito.
Panginoon, sana po iligtas nyo si harvard.
Matapos ang mga dalawang oras, ay lumabas na mula sa ER ang isang doctor na agad naman naming nilapitan ni tita.
"D-doc, kamusta po ang anak ko?" Agad na tanong ni tita sa doctor.
"Maayos na po syangayon, nalinis na namin ang mgasugatnya, ang kaso, comatose po ang anaknyongayondahilsamatinding impact sanabagoknyang ulo, but don't worry misis, malaki po ang chance na makaka-survive ang anaknyo" halos pareho kaming nakahinga ng maluwag ni tita sa ibinalita ng doctor.
Ang kaso, comatose si harvard, paano kong? Nako! Wag naman sana, alam kong malalagpasan din ito ni harvard
"Ah. . .tita, pupuntahan ko lang po sina mama sa chapel" paalam ko kay tita na tinanguhan lang ako bilang sagot.
Medyo malapit na ako sa chapel ng makita ko si elo palabas ng hospital kasama si alexa,
Teka? Anong ginagawa ni alexa dito? Bakit sila magkasama ni elo?