Chapter 2

10.9K 392 43
                                    

Arci's

Gusto ko sanang ma-flatter nung sinabi sa 'kin ni Arjo na sobrang ganda ko na. Kaso, inunahan ako ng gulat nang bigla-bigla na lang siyang nagsalita sa likuran ko.

Kaloka, muntik ko nang maihagis sa kanya 'yong lamesa dahil nagulat ako. Ang kaso, hindi ko mabuhat—sobrang bigat kasi.

Ano bang ginagawa ni Arjo rito? Akala ko mag-isa lang akong magmo-moment, 'yon pala, nandito rin si Arjo. Hindi kaya gusto lang nitong humingi ng exposure?

Well, sige na nga, pagbibigyan ko na.

“You should be at the gym now, watching that boring game. Then, what are you doing here?” Kailangan kong mag-English dito, kasi running for valedictorian itong si Arjo. Nakakahiya naman kung magta-Tagalog ako, ‘deber?

Napangisi siya matapos kong magsalita. Dahil ba sa English ko?

“Sabi mo nga, boring ‘yong game. So, why should I? It’s not even worth watching.” See? Kailangan talaga mag-English. Pero magta-Tagalog na lang ako, baka ma-wrong grammar pa ako. Nakakahiya!

Ipinasok ko muna 'yong powder at lip gloss ko sa bag, saka ako nagsalita. Ang kaso, magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang tumabi ng upo sa akin at siniil ako ng halik. Char!

Tumabi siya sa akin, na ikinagulat ko. As if naman close kami, kahit pa pinsan siya ni Enerva. Kasi, nakakahiya namang makipagkaibigan sa isang bookworm, no. Hindi ako bagay maging kaibigan niya, puro kalandian lang alam ko. Pero siyempre, nag-aaral din ako ng mabuti. Sa katunayan, top 3 ako sa klase. Oh, ‘di ba? Hindi lang ako maganda, matalino pa! Pero hindi ako nagpapaka-bookworm tulad ni Arjo, na parang kamukha na ng encyclopedia. Pero, ang gwapong encyclopedia naman ni Arjo!

“Bakit ka ba biglang tumatabi sa akin?” Nabigla kong tanong. Halos magkadikit na kami. So, ano ‘to, feeling close?

“Napansin ko lang kasi parang galing ka sa pag-iyak. Umiyak ka ba?”

Wow! Ang observant naman ng taong ‘to, at napaka-feeling close pa.

“May isang bugok kasi na pinag-initan na naman ako. As far as I know, wala naman akong ginagawang masama sa kanya.” Sinagot ko siya, kasi baka isipin niyang napakabastos ko. But the truth is, maganda lang talaga ako, konek?

Actually, sa tagal naming magka-classmate ni Arjo, ngayon lang kami nag-usap ng ganito. Kasi nga, ngayon lang din naman nagsimula ang istoryang ‘to.

“Hulaan ko kung sino nagpaiyak sa’yo... Is it Harvard?” Yumuko ako at bigla na lang humagulhol ng iyak kasi nahulaan niya! Ang galing lang kasi niyang manghula, anbilibabol! Char!

“Uhmm,” sagot ko sa hula niya.

“I think that guy is out of his mind. He always bullies you for some reason no one knows. Pero sa tingin ko, that guy is into you—ayaw lang niyang aminin, kaya dinadaan niya sa nonsense, like bullying you every day.”

Napanganga ako sa sinabi ni Arjo. Ano daw? Si Harvard, may gusto sa akin? Sa tingin ko, siya ang baliw, e. Kung ano-ano ang sinasabi.

Malabong magkagusto sa akin ‘yong taong ‘yon—mali, malayong magkagusto sa akin ang bakulaw na 'yon. Ang gusto lang non ay pag-initan ako, walanghiya siya!

“I think you’re the one who’s out of his mind. Kung ano-ano sinasabi mo,” sagot ko sa nakakapanangang sinabi niya. Kaloka!

“Because the big question is: why is he always ill-tempered and hot-headed when it comes to you?” Ang totoo, tanong ko rin ‘yan sa sarili ko. Oo nga, no? Pero ang tanong, ano kaya ang sagot doon? Hayaan na nga.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon