Chapter 28

4.7K 256 21
                                    

Unedited

Arci's POV

"Ninong, ninang, mahal na mahal ko po si arci, kaya sana po ay matanggap nyo kung ano man pong relasyong meron kami" nangingiti lang ako sa mga pinagsasabi ni harvard sa harap nila mama at papa. Si elo naman nagpaka-bitter at umakyat na ng kwarto namin.

Katatapos lang mag-paliwanag ni harvard tungkol sa nakita kong pagyakap sa kanya ni alexa. Guilty much nga si ako dahil nawalan ako ng tiwala sa kanya.

"Ayos lang naman samin 'yun iho, sana lang wag mong saktan ang anak namin" sabi naman ni mama, oww, si mama talaga ayaw nya akong nakikitang nasasaktan.

"Pangako po 'yun ninang" sagot naman ni harvard.

"Teka, alam na ba ito nila kumare at kumpare?" Tukoy ni papa sa mga magulang ni harvard.

"Hindi pa po ninong, pero alam kong matatanggap kami nila mama at papa" paniniguradong saad ni harvard .

After ng pag-uusap na'yun ay inihatid ko na si harvard sa labas ng gate.

"Sorry love ha" hingi ko ng tawad sa hindi ko pagbibigay ng tiwala sa kanya.

"It's okay, sorry din kung nasaktan kita" sabi nya saka nya hinawakan yung magkabilaang kamay ko.

"Good luck sa pag-kanta mo bukas" oo nga pala, bukas na pala kami kakanta.Huhu! Bigla tuloy akong kinabahan.

"Salamat, para sa'yo yung kakantahin ko bukas" napangiti sya ng sanabi kong sa kanya ko idi-dedicate ang mga kakantahin ko bukas.

Niyakap nya ako "thank you love. . . I love you" I hugged him back.

"I love you,too."

- - -

Napuno lahat ng hiyawan ng mga estudyante at mga manunuod sa loob ng gym na'yun ng ina-nunsyong kakanti ang binuo naming---- I mean binuong banda ni arjo.

Matapos naming ihanda lahat ng mga instrumento ay humarap na ako sa lahat habang hawak-hawak ko ang microphone na nakalagay sa mic stand.

Agad na hinanap ng mga mata ko si harvard at hindi ako nabigo at nakita ko sya sa isang gilid habang nakangiting nakatingin sakin.

Nagtama ang aming mga mata saka ko sya nginitian.

"Hi everyone!" Bati ko na ikina-hiyaw ng lahat, wow ha! Instant celebrity ang peg ko ngayon ah.

"I'm arci, a senior student and this is my band," at isa-isang nagpakilala sina arjo.

"Okay, ang kantang to ay ina-alay ko sa isang taong nag-paramdam sakin kung gaano ako kahalaga para sa kanya sa kabila ng lahat ay minahal nya parin ako ng walang kapalit," lumingon ako sa gawi nya at binigyan sya ng isang matamis na ngiti na ikina-ngiti rin naman nya.

"Para sa'yo to, at tandaan mo, mahal na mahal kita. . . . Ano man ang mangyari ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko".

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon