Chapter 17

6.3K 199 12
                                    

Unedited

-18-

Arci's

Nagising ako ng mag vibrate ang phone ko ng paulit-ulit, nasa ilalim lang kasi ito ng unan ko.

Agad ko itong kinapa, ng tuluyan ko na itong makuha agad ko itong tinignan.

Calling harvard?

Dis oras ng gabi tumatawag?

Bumaba muna ako ng kama ko saka ko ito sinagot.

[Hello?] Mahinang sagot ko saka ako tumingin sa katabi kong si elo na mahimbing parin ang tulog.

Lumabas ako ng kwarto ko saka ako dumiretso ng sala.

[Nagising ba kita?] Tanong nya sakin na ikina-kunot ng noo ko,malamang nagising ako,dahil kung tulog parin ako hindi nya ako kausap ngayon. So anong ipinaglalaban ko?

[Oo eh, pero ayos lang, bakit ba napatawag ka?] Tanong ko habang nag sasalin ng tubig sa baso.

[Hindi kasi ako makatulog eh]

Eh? So tinawagan nya ako para may kasama syang mag puyat? Ano to damay-damay?

[Bakit naman?] Tanong ko matapos kong inumin yung tubig na sinalin ko.

[Iniisip kasi kita] nagising ang diwa ko sa sinabi nya.

Ene dew? Char!

[Labas ka arci, lakad lakad muna tayo] napangiti ako sa sinabi nya. Date ba to? Date sa dis oras ng gabi? Aba matinde!

[Sige, kukuha lang ako ng jacket ko]

pagkatapos kong sabihin 'yun ay agad ko ng in-end ko ang call saka ako kumuha ng jacket at lumabas na ng bahay.

Kahit may jacket na ako ay napayakap parin ako sa sarili ng biglang umihip ang malamig na hangin.

11:30 narin kasi ng gabi at lahat halos tulog na, at malamang sa malamang kaming dalawa nalang ni harvard ang gising.

Tumambad sakin ang ngiting-ngiti nasi harvard pagka-bukas na pagka-bukas ko ng gate namin.

Lumapit ako sa kanya ng nakangiti din. Ghad! Kinikilig ako.

"Saan naman tayo pupunta ng ganitong oras?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko saka nya ito pinag intertwine sa kanya.

"Kahit saan, basta kasama ka"

Okay,kinikilig talaga ako.kesenemen eh!

Nag umpisa na kaming maglakad habang magkahawak kamay.

"Alam mo, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala"  paumpisa ko.

"Hindi makapaniwala saan?"

Bumuntong hininga muna ako saka sya sinagot.

"Hindi ako makapinawala na tayo na. . .na nangyayari lahat to"

Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Saka ako bahagyang nilingon.

"Sorry, pero sana mag tiwala ka sakin na totoo ang nararamdaman ko sayo, sa ngayon kailangan muna nating ilihim kung ano man ang meron satin.... At kapag handa na tayo, pwede na kitang ipagmalaki sa lahat"

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon