Unedited
Grammatical and typo errors Alert! Alert! Alert!
-6-
Arci's
Siguro kung hindi lang kami magka-away ng bakulaw na'to, iisipin ko ng Knight in shinning armor ko sya at inililigtas nya ako mula sa mga masasamang tao.
Ang kaso hindi eh, dahil sa lahat sya pa ang numero uno na nananakit sa'kin, haist! Tapos ngayon hila-hila nya ako papunta sa kung saan, ano na naman kaya ang gagawin ng harvard na'to sa'kin?
Kawawa naman si Arjo na naiwan kanina, concern paman din si running for validectorian sa'kin, pati 'yung isang gwapo na si Elo na ang sarap lang gahasain dahil sa kagwapuhan nito.
"Bitiwan mo nga akong bakulaw ka! Saan mo ba ako dadalhin?".pagpupumiglas na sabi ko sa kanya habang hila-hila nya ako sa kamay, in all fairness ang lambot naman ng palad ng isang 'to.
Maya-maya pa ay nakarating kami sa gym? Halla! Wag mo sabihing maglalaro kami ng basketball?
Pagkapasok na pagkapasok namin doon ay binitiwan nya na ako ang kaso sa kwelyo ko naman sya sunod na humawak kaya medyo nasakal ako.
"Putangina mo bakla! Anong pinag-sasabi mo ha?".galit na sabi nya habang magkalapit ang aming mga mukha kaya naman langhap ko ang nakaka-lalaki na pabango nito at ang mabango nitong hininga,.nahiya tuloy akong sumagot baka kasi mamaya amoy bad breath na pala ako.
"Ano bang sinasabi mo".pa-feminine kuno na sabi ko"bitiwan mo ako, nasasakal ako".dugtong ko, kasi naman kanina pa ako nasasakal sa paghawak nya sa kwelyo ko, kaloka 'to!
"Maang-maangan ka pang bakla ka!,.ano yung pinagsasabi mong pumapatol ako sa bakla!".juzko colored water! Akala ko kung ano na teh!."bakit hindi ba?. Itong ginagawa mo sa'kin ngayon, hindi ba pamamatol ang tawag dito? FYI. Bakla ako, kaya anong ipinuputok ng kwak kwak mo? Eh, pinapatulan mo naman ako, imbyerna!".bahagya nya akong tinulak pagkatapos kong sabihin.'yun.
Inayos-ayos ko ang kwelyo kong nagusot saka ako matalim na tumingin sa kanya."hindi ko alam kung bakit napaka-init ng dugo mo sa'kin. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah, kung ayaw mo sa'kin edi wag mo nalang akong pansinin!".at sa oras na'to ay tumulo na talaga ang mga luha ko,imbyerna!
Pero hindi pa ako nagpapigil at chumika pa ang inyong lola,"kung hindi mo ako kayang tanggapin bilang ako, irespeto mo naman ako bilang tao, Harvard".sabi ng drama ko? Kasi naman talagang naiinis na ako sa bakulaw na'to eh, hindi ko malaman-laman kung ano ba ang problema sa'kin.
Masama lang akong nakatingin sa kanya habang pinupunas ko ang aking mga luha,
Akmang aalis na sana ako ng bigla nya akong hilain palapit sa kanya kaya naman napahawak ako sa dibdib nya at konti nalang talaga magkakahalikan na kaming dalawa dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Ano bang nangyayari sa harvard na'to? Balak nya bang halikan ako?
Sige ba bes! Char!9
Titig na titig sya sa'kin at ganon din ako sa kanya, ano ba'to? Titigan nalang teh?
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
General FictionWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!