Chapter 12

8K 287 12
                                        

Unedited

Errors alert! Sorry pretty lang not perfect!

- - -
-13-

"Oh,bakit ganyan hitsura mo?ayos ka lang?"agad na tanong sakin ni mama pag-pasok ko ng bahay.

"Ayos lang ako ma"matamlay na sagot ko,ewan ko ba kung bakit bigla akong tumamlay,

Pakiramdam ko apektadong apektado ako sa mga sinabi ni harvard.

"Eh si elo? Bakit di mo sya kasama?"

Kunot noo akong napatingin kay mama, so wala pa si elo dito?

"Hindi ko sya kasamang umuwi ma,wala pa ba dito?"

"Tatanungin ko pa ba sayo kung meron na sya dito?"

Okay,ikaw na ang pilosopo mama,ginagalingan mo din ma eh.

"Sige po,hahanapin ko nalang sya"matamlay na sabi ko saka ako lumabas ng bahay.

Saan ba kasi pumunta yung taong 'yun?

Imposible namang nasa school pa 'yun? Anong gagawin nya doon?

Pumunta ako sa playground na malapit din lang sa baranggay namin,baka sakaling nandoon lang sya tumatambay.

6:10 pm na,madilim narin at nakabukas narin lahat ng mga street lights,

Napa-akap ako sa sarili ng medyo lumakas ang malamig na simoy nang hangin Ber months na kasi.

Dumiretso ako sa swing nagbabakasakaling meron si elo doon.

Nagulat ako ng may taong naka-upo sa isa sa mga swing doon at ang mas ikinagulat ko kung sino yung naka upo.

Isang white lady, char!

Pero mas matutuwa pa sana ako kung sana white lady nalang yung naka-upo doon at hindi si harvard.

Oo si harvard nga yung naka-upo sa swing, na hindi ko lubos maisip kung anong ginagawa nya dito.

Akmang aalis na sana ako para ipag-patuloy ang paghahanap kay elo ng biglang mag salita si harvard.

"Pwede ba tayong mag usap? Kahit saglit lang?"

Oh my ghad! Hindi nga kaya white lady to at sinaniban lang si harvard?

Kasi imposible namang makikipag usap sa akin ang isang harvard like hello! Enemies kami to the nth power.ganern!

Lumingon ako sa kanya saka ngumiti ng alanganin.

"Sige ba"mabait na sagot ko.

Lumapit ako sa isa pang swing na katabi nya saka muling niyakap ang sarili dahil sa muli na namang pag ihip ng malamig na hangin.

"Ano ba 'yung sasabihin mo?"mabait ulit na tanong ko.

Bakit ba ang babait namin ngayon?

"Gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo"

Muntik pa akong mahulog sa swing na kinau-upuan ko.

Agad akong lumapit sa kanya at kinapa kapa ang kanyang leeg at noo,baka kako may sakit sya ang kaso parang normal naman.

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon