Chapter 3

10K 351 12
                                    

Unedited

You'll encounter lots of grammatical and typo errors even usage of words, Because i'm not good in english and in filipino and i'm just pretty, that's it! Walang labis at walang kulang, sabi nga ni juday sa commercial n'yang absolute.

Absolute ba'yon? O wilkins? Haha!

Anyways,

- - - - - - - -
-4-

KINABUKASAN, lumabas ako ng bakuran para pumasok na ng school na sya ding paglabas ni harvard sa kanilang bakuran.

Magkapit bahay kasi kami ni harvard kung hindi nyo na naitatanong, at ang aming mga magulang ay sadyang magkakaibigan at itong harvard lang talaga ang siraulo kung bakit ang init ng ulo sa'kin.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit umirap sya ng makita ako. Punyeta sya! Tusukin ko pa ng barbeque stick yang mata nya eh, nag lakad ako papuntang kanto para pumara ng eroplano papuntang school.char! Tricycle,

Kakailanganin kasi ng tricycle dahil medyo may kalayuan 'yung school namin.

Naunang naglakad si harvard sa'kin patungong kanto kaya naman tanaw na tanaw ko ang hindi naman kalaparang likod nito, na kahit nakatalikod na sya nagmumukha parin syang gwapo at masarap, amputspa! Ang aga-aga ang landi nang utak

Pagkarating na pagkarating namin ng kanto ay saktong nagiisa nalang ang tricycle na nakapila, like seriously? Sadya ba'to?

Agad akong tumakbo papuntang tricycle para maunahan syang sumakay, ang kaso nang saktong pasakay na ako ng tricycle ay agad kaming nagka-untugan.

"Shit!".hinaing nya habang hawak ang ulo na nauntog din sa ulo ko, nakipagunahan din pala sa'kin ang gago."tangina mo kang bakla ka!".sunod nitong reklamo na mukhang nasaktan nga talaga sa pagkaka-untog namin."gago ka pala eh, kung hindi karin isa at kalahati, at nakikipag-unahan ka pa sa'kin".asar 'to! Anong akala nya sya lang ang nasaktan sa pagkaka-untog namin?."eh sa ayaw kitang kasabay kaya inunahan na kita".grabe sya oh! Choosy? Ano to gluta lang teh? Choose-C.

"As if naman gusto rin kitang kasabay, bakulaw ka!".sigaw ko sa kanya, punyeta sya! Ang aga-aga sinisira araw ko?.

Mas lalo syang nag-ngitngit sa galit, at dinuro-duro ako."hoy bakla! Namumuro ka na ah!,anong akala mo hindi kita papatulan porque bakla ka?".galit kong tinabig yung kamay nyang naka-duro sa'kin, saka sya tinignan ng masama,.sa totoo lang namumuro narin sa'kin 'tong hunghang na'to eh, nakakapika na! Imbyerna to the nth power of one thousand square root. Wala 'yan sa math, may masabi lang.

"Hindi porque bakla ako, ay hindi na kita papatulan, kung namumuro ako mas namumuro kana, as in bingo ka na! Hinayupak ka! Ano? Gusto mo magpatulan tayong dalawa?".sabi ko na parang nanghahamon nang suntukan kuno, susmeyo marimar na asawa ni marimor, huh?

Akala nito u-urungan ko sya! Atapang a bakla 'to tol!

Magsasalita palang sana sya ng biglang umandar 'yung nagiisang tricycle na syang tangi nalang naming pag-asa para maka-pasok ng maaga sa school,

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon