Chapter 15

7.1K 245 32
                                    

Unedited

Dedicated to Lilmixer

Sana po kiligin ka at salamat sayo.
- - -
-16-

Arci's

"Okay, maghanda na ang lahat para sa nalalapit na school festival, and dapat lahat ng nasa section na'to ay mag participate sa lahat ng mga activities na magaganap at kailangan nyo ring sumali sa mga club na mabubuo para sa darating na school fest."ang mahabang litanya ng aming adviser na malamang gusto lang nang mahabang exposure.chosera din 'to eh.

"Ah, arci mamayang uwian may meeting pala yung banda natin sa gym at para narin ma meet mo na yung iba nating ka band member"napalingon ako kay arjo na naka-upo sa likuran ko.

"Sige"tipid kong sagot dito saka ako umayos ng upo ulit.

Yun na nga, pumayag nga pala akong maging band vocalist ng banda nila arjo para sa darating na school fest. Sayang din kasi 'yun dagdag extra curricular din 'yun.

At si paulo ay ang aming drummer kaya naman pala magkakilala sila ni arjo at kaya pala ako kilala ni paulo dahil kine-kwento daw ako lagi ni arjo sa kanila..kaasar! Akala ko paman din kaya nya ako kilala kasi peymus ako,hindi naman pala.

"Arci, nabalitaan mo na ba yung balita?"napalingon ako sa feeling close kong seat mate nasi ariana dahil sa tinuran nito.

"Anong balita? Sa radyo at tv ba'yan?"chosera koring tanong dito.

Humalakhak naman sa tawa ang babaitang ito,kala mo naman sobrang nakakatawa yung sinabi ko.

"Ikaw talaga arci, palabiro ka"sabi nitong tawa ng tawa habang hinahampas ako sa braso, aba't sinikmuraan ko nga. Char!

"Ano ba kasi 'yun?"tanong ko ulit dito kaya natigil narin sya sa kakatawa buti naman dahil sisik-muraan ko na talaga sya.

"Kalat na kasi yung tsismis na mag ta-transfer na daw dito si alexa, yung ex gf ni harvard"diretsang siwalat nito sakin.

Nakaramdam ako ng pagka-inis sa kadahilanang hindi ko alam. Ewan, parang biglang nasira yung araw ko.

"Ano kayang mangyayari kay harvard?"tanong ni ariana sakin, tumingin ako ng masama dito

"Aba'y ewan ko, saka ano namang pakialam ko Kung magtransfer yung ex nya dito?"masungit na sagot ko dito na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit bigla kang nag sungit dyan?"

"Ganito talaga ako, pabigla-bigla kaya pag hindi kapa tumigil kakatanong baka bigla nalang din kitang masapak dyan"mukhang natakot naman sya sakin kaya umayos na sya ng kanyang upo.

Bahagya kong sinulyapan si harvard na mukhang problemadong nakaupo sa upuan nya.

Bakit nga ba parang apektado ako sa mangyayari?

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon