Unedited bruh!
Arci's
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nag mahal ng ganito, at ngayon lang din ako nasaktan ng ganito kasakit.
Malakas parin ang ulan at malakas parin ang hangin, hindi ko tuloy alam kung may bagyo ba at hindi lang ako updated.
Kanina pa walang tigil ang ulan at kanina parin walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Arci. . . . .Patawarin mo ako, alam ko naduwag ako, natakakot ako pero na-realize ko na mas nakakatakot pala pag iniwan mo ako, arci. . Mahal na mahal kita. . Patawarin mo ako"
Napatingin ako kay harvard na nakaluhod sa harap ko habang hawak-hawak ang kamay ko ng mahigpit na parang ayaw na nyang bitawan pa.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina sa gymnasium, mahigpit ko ding hinawakan ang mga kamay nya na nagsasabing ayos lang naiintindihan kita, pero kinalas nya parin ang mga hawak ko kaya tuluyan na syang nawala sakin, hinayaan nyang mawala ako sa kanya, lumaban ako pero hindi sya.
"Kung talagang mahal mo ako, sana pinag-laban mo ako, sana hindi mo ako sinaktan, mahal na mahal kita harvard, pero ikaw na mismo ang tumapos sating dalawa" humihikbi kong sabi at mabilis kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak sakin,
Tumalikod na ako saka ko hinawakan ang kamay ni elo at agad na umalis, ramdam ko namang sumunod sina enerva,anika at arjo,
At si harvard? Naiwang naka-luhod sa gitna ng malakas na ulan.
Alam kong nasasaktan si harvard ngayon pero mas nasasaktan ako,
Ako yung napahiya,
Ako yung pinagtawanan,
Ako yung hinusgahan,
Ako yung iniwan ng taong mahal ko sa gitna kung saan ako lang ang lumalaban.
Galit na galit ako kay harvard, binigay ko ang lahat sa kanya na buong akala ko kaya nya akong panindigan,
Yun pala'y isang akala lang.
Bakas sa mukha nila mama at papa ang pagtataka ng makita kaming lahat na puro basang-basa ng ulan, at mas napakunot noo sila ng makita nila akong umiiyak.
"Ma,pa?" Crack ang boses kong tawag sa kanila.
Agad na lumapit sakin si mama at agad akong niyakap ng mahigpit,
"Anong nangyari?" Tanong ni mama na mas lalong nagpaiyak sakin,
Harvard's POV
Hindi ko alam kong ilang beses ko ng pinag-susuntok ang poste ng ilaw na'to dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko, puro dugo narin ang kamao ko,
Pero ni konti, walang akong maramdamang sakit sa kamao ko, mas nanaig ang sakit sa nararamdaman ng puso ko na ako mismo ang may gawa.
Ang tanga ko, nasaktan ko si arci,
Natakot lang ako sa lahat na baka kung anong isipin nila sakin pag sinabi ko sa kanila ang totoo, kaya nagawa ko syang edeny na labis ko ng pinagsisihan.
At ngayong natakot akong mawala sya saka palang ako nagkaroon ng lakas ng loob kung kailan huli na ang lahat.
Wala na, tuluyan na syang nawala sakin dahil sa kaduwagan ko,
**flashback**
Ngingiti-ngiti akong hinihintay si arci dito sa labas ng school namin, masaya lang ako na naibigay na ni arci ang lahat ng kanya nung monthsary namin kahapon at syempre lahat ng meron ako ay ibinigay ko narin sa kanya,

BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
Ficção GeralWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!