Chapter 26

5.1K 176 11
                                    

Unedited

Arci's

Bukas na mag-uumpisa ang school fest., excited na ako kasi lahat ng kakantahin ko ay para kay harvard lahat.

Hays, malapit narin ang aming first monthsary, hindi ko pa alam kung ano ang gift ko for him.

What if yung virginity ko nalang kaya? Char!

"Ngiting malandi ah" ngiti lang ang isinagot ko kay enerva sa turan nito, nandito kami ngayon lahat sa classroom, wala yung mga teachers namin naghahanda kasi sila para sa first day ng school fest. bukas.

Si anika at enerva ang kasama ko ngayon, si elo may practice sa soccer si harvard sa basketball at si arjo naman may ibang kausap dito sa loob ng room and the rest is kanya-kanyang mundo na.

"Sabihin mo na, bakit ganyan ang ngiti mo?" Di na nakatiis na tanong ni enerva.

"Sinagot ko na kasi si arjo" agad na nailuwa ni anika yung kinakain nya.

Pigil tawa ko naman itong tinignan,

"A-ano?" Malungkot na tanong ni anika.

"Ansama mo girl, pinag sabay mo si harvard at yung pinsan ko?" Paniwalang-paniwala naman na sabi ni enerva.

"Pfft, joke lang, mapag-paniwala naman kayo masyado" nakangiti paring sagot ko sa kanila.

Ish! Ang saya-saya ko, excited kasi ako sa first month namin ni harvard eh.

"So ano nga?" Muling tanong ni enerva at si anika ay ipinag-patuloy na ang pag-kain, habang naghihintay ng isasagot ko.

Hinarap ko sila at nag-pangalumbaba,

"Bukas makalawa na kasi yung first monthsary namin ni harvard, excited ako ang kaso, wala pa gift si ako" napa-O Em Gi naman sila sa siwalat ko.

"Eh di yang virginity mo" suhistyon ni enerva.

Seryoso?

"Naisip ko narin yan, ang kaso natatakot ako baka mabuntis ako eh----ouch" sinapok nila akong dalawa.

"Ang kapal mo, anong mabubuntis?" Inirapan ko lang si enerva.

"What if, love bracelet?" Napatingin kami ni enerva sa suhistyon ni anika.

Wow ha, pinag-isipan.

"Marami nun sa bayan, total wala naman tayong klase, bakit di tayo bumili ngayon?" Pag-papatuloy ni anika.

At dahil nga wala namang masyadong ganap ngayon, ay mas minabuti nalang naming pumuntang tatlo sa bayan para makabili ng sinasabing "love bracelet" ni anika.

After ng 10 minutes na byahe sakay ng pampasaherong van ay nakarating narin kami sa bayan.

"Oh my God! Finally we're here!" Si enerva.

Nilibot namin isa-isa ang mga stall ng mga nag titinda ng mga damit,sapatos at mga kung ano-ano,

Hanggang ngayon kasi di ko pa alam kung ano ang ire-regalo ko kay harvard ngayong sa darating na first monthsary namin,

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon