Guys! Nanalo kami sa dance competition! Champion! Huhu! Sulit ang puyat at ang hindi pag UD ng madalas,
Kaya ngayon,pipilitin ko ng mag UD araw-araw, pero hindi ko po pinapangako ha!
- - -
Arci's
"Good luck love" nakangiti kong sabi sakanya saka sya binigyan ng isang mabilisang halik sa kanyang labi.
Ngumiti sya sakin ng matamis saka nya ako hinawakan sa pisngi.
"Thank you love. . Para sayo ang laro kong 'to" saad nya saka ako siniil ng halik, abat ang gago handa!
Nandito kami sa classroom at lahat ng mga classmates namin nasa gymnasium na lahat para panuorin ang labanan between juniors and seniors,
Kaya kampante kaming walang makakakita samin kahit mag laplapan pa kami dito.
Kumalas sya mula sa pagkakahalik sakin,
"Sige na, pumunta ka na, baka hinihintay kana ng mga ka-team mo" sabi ko.
"Hindi ka ba sasabay sakin?" Tanong nya,
"Susunod nalang ako, baka kasi makahalata sila pag nag sabay tayo" sagot ko na ikinabuntong hininga ko.
"Okay, sunod ka ah, cheer mo ako" sabi nya.
"Nako! Baka malasin ka pag chi-neer kita, tulad nung dati halos sablay tira mo nung minsan kitang chineer" napangiti sya sa sinabi ko kaya muli nya akong hinawakan sa mukha.
"Dati 'yun, iba ngayon, ikaw ang dahilan kaya ako nag pupursige sa lahat" gusto ko na talagang tumalon sa kilig, kaya lang dapat pa-demure parin ako, dalagang pilipina ba!
"Oo na, ichi-cheer kita mamaya"
"Sabi mo 'yan ah, sige punta na ako ng gym" paalam nya saka nya ako mabilisang hinalikan sa labi saka umalis.
Hays, ang sarap ng ganito, pero mahirap din kasi kailangan naming itago kung anong meron kami.
Pero di na importante 'yun, ang mahalaga mahal namin ang isat-isa. Chos! Ganda ko talaga!
Nakangiti akong lumabas ng room ng bigla akong harangin ni alexa na naka cross arms kasama ang kanyang dalawang julaley!
Nginitian ko sila ng matamis, ganyan nga! Mainis kayo sa puti at at pantay-pantay kong ngipin.
"Lubos-lubusin mo na ang pag-ngiti girl, dahil yang mga matatamis na ngiti mo mapapalitan yan ng isang mapait na mga luha"
BINABASA MO ANG
I'm His Boyfriend
General FictionWalang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!