Chapter 22

5.1K 232 21
                                    

Unedited

-23-

Arjo's POV

Nag-hihintay kaming tatlo kung kaninong t-shirt ba ang kukunin ni arci.

"Salamat nalang, pero may dala din akong extra t-shirt" sabi nya saka sya ngumiti ng pilit.

Wala naman na kaming nagawa pa kundi itago ulit ang kanya-kanya naming t-shirt.

Napansin ko ang ka-kaibang pagtiti-tigan ni arci at harvard sa isat-isa na ikina-kunot ng noo ko.

Lately kasi napapansin ko lang maliban kay elo, napaka over protective na ni harvard kay arci, samantalang dati halos aso at pusa sila kung mag-away.

Hindi kaya may something na sa kanilang dalawa? Pero sana naman wala.

Hay,

Sayang din pala kanina yung pagkakataong dapat nasabi ko kay arci na sya ang mahal ko, kaso biglang dumating si alexa. Kaya naputol tuloy.

- - -

"Insan, wala ka bang napapansin kina harvard at arci?" Tanong ko sa pinsan kong si enerva, nandito kami ngayon sa sala ng aming bahay habang gumagawa ng english journal,

Napahinto naman sya sa pag-gugupit ng mga colored paper na ipag-de-design nya sa journal nya saka sya diretsong tumingin sakin.

"Alam mo, may napapansin din ako sa dalawang 'yun." Tila sigurado nyang sabi.

"Ano?" Tanong ko dito.

Kinagat nya ang ibabang labi nya at pinasingkit ang mga mata na wari'y nag-iisip.

"Feeling ko,.   . May relasyon silang dalawa" napa-simangot ako sa sinabi nya.

"Joke lang, to naman, napag-hahalataan ka tuloy na nasasaktan" agad na bawi nito na ikina-irap ng mata ko.

Napabuntong hininga ako,

"Feeling ko talaga, may itinatago silang dalawa, hindi naman magiging ganon kabait si harvard kay arci kung wala" may kalungkutang sabi ko.

Naramdaman kong tumabi ng upo sakin si enerva. "Paano pag may relasyon na nga sina harvard at bessy, magtatapat ka parin ba?" Matagal ng alam ni enerva na may gusto ako kay arci, kaya nga minsan todo push sya saming dalawa kaso lagi namang sumisingit sina elo at harvard.

At kung may relasyon man sina harvard at arci, sa tingin ko hindi ko kakayanin, pero kung kay harvard magiging masaya si arci tatanggapin ko kahit masakit.

"Ano ka ba insan, wala pa namang proweba na may relasyon nga sina bessy at fafa harvard, kaya wag kang tumigil, Go lang!" Pagpapalakas ng loob sakin ni enerva,

Tama, kaya hanggat maaga pa, dapat masabi ko na kay arci na gusto ko sya.

Kaso, natatakot lang ako.

Paano 'pag baliwalain nya ako? Paano kung layuan na nya ako?

Parang ayaw ko na tuloy mag-tapat.

- - -

Arci's POV

Calling harvard. . . .

(Helle beket pe?) Natawa naman sya dahil sa pabebe voice ko.

(Haha. . Gusto na tuloy kita makita) huh? Kakikita lang namin sa school kanina ah, miss na nya agad ako?

(Ako din, gusto na kita makita ulit) parehas kaming kinilig sa sinabi ko,

"Hoy! Wag ka ngang maingay?" Napasimangot ako sa bigla nalang humiga sa kama ko na si elo. Aba't!

Inirapan ko lang sya at muling kinausap si harvard.

(Anong ginagawa mo ngayon?) Tanong ko sa kabilang linya,

(Heto. . . Iniisip ka) impit akong natawa sa sinabi nya.

(Sira, . .matulog ka nga) sabi ko dito.

(Sige,  good night) lalaking-lalaki na sabi nya, nebeyen, pati boses ang gwapo.

(Good night) tugon ko naman.

(I love you)

(I love you too,) yun lang saka ko ibinaba ang tawag.

"Tss! Di hamak naman na mas gwapo ako doon" pabulong na parinig sakin ni elo saka ito gumilid ng higa, bumulong nga rinig ko naman.

"Uy, selos ka no?" Maasar nga,

Humarap ito ng higa sakin habang ako ay nakaupo parin sa kama namin.

"Di ba halata?. . Pasalamat ka," di nya tinuloy ang kanyang sasabihin at muli na syang gumilid ng higa patalikod sakin.

"Elo? Bakit mo ako minahal?" Tanong ko sa kanya bago ako nahiga habang nakatitig sa kisame at pinagmamasdan ang nag iisang butiki na wari'y nakatingin sakin.

"There's a lot of reason to love you, baka mapuyat ka pag inisa-isa ko pa" sabi nya habang nakatalikod parin sakin.

"Elo sorry," sabi ko, kaya bigla itong humarap sakin, patagilid din akong humiga at hinarap sya.

"Sorry saan?" Salubong na kilay nyang tanong.

" sa lahat, . .kung pwede lang sanang diktahan ang puso," hinaplos nya ang mukha ko, saka sya ngumiti sakin.

"You don't have to be sorry, just being with you is enough, masaya ako na ganito tayo, at kontento na ako na hanggang dito nalang tayo"

Hinalikan nya ako sa noo "good night" nginitian ko sya. " Good night elo"

After that ay natulog narin kami.

- - -

Guys! Naguguluhan pa ako kung sino ang makakatuluyan ni Arci.

Kahit ako ang Author nito hindi ko alam kung sino ang karapat-dapat kay arci.hahaha!

Sino ba ang gusto nyo para kay arci?

Harvard or Elo? Baka naman si arjo?

Pwede ba akin nalang si arjo? Hahaha.

E-comment nyo kung sino ang mas gusto nyo,

Wag nyo sanang kalimutang mag vote at mag comment para ganahan naman ako mag sulat!

Demanding na kung demanding pero pwede bang paki-spread ang story na'to?

Salamat at mahal ko po kayoooo!

I'm His BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon