Chapter 3 - My Bestfriend?
After I and Scarlet became bestfriend, I intended to go home dahil baka hinahanap na ko sa bahay. Ihahatid ko sana sya sa bahay para makilala ko mga parents nya pero she refused at umuwi na sya mag-isa. It's kind of strange na ayaw nyang magpahatid pero siguro next time na lang.
I immediately rushed home at naabutan ko sina mom and dad na kumakain. Medyo awkward kapag nagkakasabay kami sa mesa ng pamilya ko kase bihira naman ang mga pangyayaring ganito.
"Oh Zack! Come on sit down" said mom
"Okay po" then I sitted down na
"Bakit ngayon ka lang? Ganito ba ang uwi ng isang estudyante?" medyo galit na sabi ni dad
Ayokong makarinig ngayon ng pagsesermon nya lalo na at sa harap ng hapag kainan. Wala akong inimik, I just nodded.
"Hayaan mo na honey, baka may tinapos lang si Zack na gawain sa school" pagtatanggol naman ni mom.
"Haay! Kung ganyan na lang lagi ang palusot ng mga kabataan ngayon, ano na lamang ang mangyayari sa banda natin" -dad
"Mabait naman yang anak natin ah" sabi pa ni mom
"Ikaw bahala ka. Don't spoiled your son like that kasi kakasanayan nya yan"
"Mom! Ever know a girl with just my age named Scarlet?" I asked para maiba naman usapan at hindi mabuntong salkin.
"No honey. Wala pa kong nakikilalang Scarlet."
"Sure ka mom?" I asked again
"Oo sure ako son. Bakit mo natanong?
"Wala naman mom. May nakilala lang akong girl named Scarlet"
It's strange na walang kilalang Scarlet si mom kase dati syang nagtatrabaho sa municipal hall ng lugar namin. Well, siguro bagong lipat lang sila at di pa masyadong katagalan dito sa lugar namin.
"Mom! Dad! I just gonna wash my hands first"
Pumunta na ako ng bathroom and I wash my hands and also wash my face because it's been a tiring ay for me. And suddenly I heard mom and dad's loud voice.
Haay. Eto na naman sila, wala silang pinapalampas na pagkakataon at lagi na lang silang nag-aaway. Sawang sawa na ako. Kaya lumabas na ako ng bathroom at nagsabi na akong aalis kase ayokong talagang marinig ang boses ng mga magulang ko while they are arguing.
"Tapos na po akong kumain, mom! dad! sa tree house lang po ako"
It's look like they didn't care at all at tuloy tuloy pa rin sila sa pagtatalo at talagang nakakabad trip yun. They didn't realize on how I wish for a better family pero ano nga bang magagawa natin. They're our family at kahit anong gawin natin, di na natin mababago yun. We just have to learn how to accept them no matter what they are and what they are doing.So umakyat na nga ako ng tree house ko and I just play a sad playlist para naman mawala tong problema ko(mas gusto kong sad yung melody pag nababadtrip ako kase it can calm my emotion down) Then my music started to play. And suddenly, naalala ko si Scarlet. I realize that hindi ko na naman natanong full name nya. Haay. Ang tanga ko. Kahit adress man lang nya or cellphone number. Pano na yan ngayon? Alam ko na! Hahanapin ko na lang sya sa may bench kung saan ko sya unang nakita. Gusto ko syang makita ng mga oras na yun kaya in the middle of the night ay lumabas ako para lang hanapin sya dun.
So binaba ko yung gitara ko at bumaba na nga ako ng tree house. I went to the place where we first met at shit! napakadilim ng paligid at halos wala akong makitang kahit ano. The place is surrounded by many trees and bushes. Marami ding mga creepy na tunog akong naririnig kaya I turn on the flashlight of my cellphone at wala akong makitang kahit anong bakas ni Scarlet dun kahit man lang ilaw ng bahay sa paligid ay wala akong matanaw.
"Siguro may mga snakes dito" sabi ko sa sarili ko.
Hindi talaga ako takot sa dilim, sa palaka, sa ipis pero I'm kinda coward when it comes to grassy places baka kasi may mga ahas dito and they might bit me.So, nagmamadali akong umalis sa madamong lugar na yun and suddenly I saw a flash of light in the corner. I heard a man calling me.
"Hoy bata! Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah" sabi nung mama
"Ahmm. Wala po may hinahanap lang po ako" sabi ko
"Umuwi kana! Gabi na. Delikado na sa dilim"
"Ok po manong!"
Ay teka magtanong kaya ako kay manong kung may nakikita syang babae dito. Baka kilala nya si Scarlet."Teka manong!" I scolded
"Oh! Ano yun bata?" Sagot nya
"Did you ever saw a girl sitting here? A beautiful girl." I asked
"Wala! Wala pa akong nakikitang babae na tumatambay dito. Oh kung meron man, mga nantritrip lang"
"Anong ibig sabihin nyo pong nangtritrip lang?"
"Mga kabataan kasi ngayon, ang daming mga kalokohan. Nagpupunta sila dito para magtakutan at maghanap ng multo"
"Multo?? Anong ibig sabihin nyo pong multo? May mga multo po dito?"
"Hindi mo ba alam na dating may malaking building dito at sabi nang iba ay haunted daw yung bahay na yun"
"Hindi po. Wala pa naman po akong nababalitaan eh. Tsaka ghosts? They are not even real"
"Sge ka. Umuwi kana at lumalalim na ang gabi"
"Sge po manong"
Nagmamadali akong umalis at I feel kinda cold. Ewan ko ba, siguro malamig lang talaga sa lugar na to kase maraming puno. Pero ghosts? Hahaha. Mga maliliit lang ang pag-uutak ang naniniwala dun.After 5 minutes of walking, I immediately started to see lights from other houses at nakita ki na din sa wakas ang bahay namin. I open the gate at pumasok na ako ng bahay namin. Nasa kwarto na nila sina mom and dad. Kaya umakyat na ako sa taas and I went to my room. I immediately brush my teeth and I showered.
After that, humiga na ako sa kama ko. I was disappointed on finding Scarlet on that spot. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit sya nandun nung una ko syang makita. Kung ibang babae siguro yun ay natakot na sila agad sa lugar na yun kase naniniwala nga sila na haunted daw yun. Well, siguro pareho lang kaming di naniniwala sa mga ghosts kase I am more on a science kind of guy and I do not believe on such happenings like supernaturals.
Well sa school ko na lang sya hahanapin at siguro naman dun ko na sya makikita. Ahh alam ko na! Hahanapin ko na lang sya sa facebook. Siguro naman mahahanap ko na sya ngayon.
I immediately browse the name "Scarlet". There are many names na nag-appear at inisa-isa ko yun. After na nakita ko na lahat ng results, I never find anything look like her.
Ahh! Nakakaasar na talaga. Napaka -mysterious talaga ng babaeng yun, ng bestfriend ko na yun. If there'something that I really like about her , is her really cute face specially when she smiles. Her eyes was astonishingly wonderful at yun ang pinakagusto ko.Anyway I'm kinda very tired right now at bukas ko na lang hahanapin si Scarlet, si Scarlet na bestfriend ko.
Then, I prepare my bed so that I can sleep at bago ako matulog ay tinabi ko yung dreamcatcher ko sa tabi ko so that I would not get nightmares anymore co'z it's freaking me out pagkagising ko. Ewan ko ba kung bakit ako laging binabangungot, siguro it's because of my playful mind. Then in a moment, di ko namalayan nakatulog na pala ako. .
Lights off please. Sweet dreams. . . . Or a beautiful nightmare.Then suddenly nagising ako because of that hypnic jerky
motion again. It's when you feel like falling that wakes you up as you are almost asleep. Kaasar talaga yun. But there's something more that I dreamed about, there's a girl standing in front of me at di ko makita ng masyado ang mukha nya. She is just staring right back me at walang ginagawa, and suddenly a roaring truck approaches and nadagasan sya nun. Nagulat ako sa nangyari at ewan ko na ang kasunod. Siguro nagising na ako pagkatapos nun. It's so weird having a dream that feels like so real like that. Ah ewan ko ba siguro gawa gawa lang yun ng isip ko. I diregard my dream at natulog na ako ulit. Lights is off again. . .
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
ParanormalA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...