Chapter 25 - Scarlet

35 2 0
                                    

Most of the time, I stay away from everybody just to know whether somebody will comfort me. But unfortunately, no one does.

* * *

Chapter 25 - Scarlet

"Scarlet!"

Di ko aakalaing babanggitin ko ulit ang pangalang yun.

Akala ko kasi nung gabing yun ko na lang uli siya matatawag.

Akala ko ay hindi ko na siya uli maaalala.

Akala ko magiging masaya na ako kahit wala na siya.

At ngayon, akala ko makikita ko na uli sana siya.

Ngunit ang lahat ng 'yon ay nanatiling akala ko lang pala.

Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung bakit ganito pa rin kalakas ang nararamdaman ko para sa kanya.

6 months.

This past 6 months, I really thought that I have recovered. Na magiging alaala ko na lang siya. Na sa isip ko na lang siya mananatili. Pero bakit ganito? Bakit ganito pa rin?

Matapos kong marealize sa sarili ko na baka namalik-mata lang ako ay naglakad na ako palayo. Sa una pa lang, in-expect ko na naghahallucinate na naman ako pero nung nakita ko mismo na parang totoo na, umasa na rin ako. Ngunit dapat hindi na. Dapat hindi na ako umasang buhay siya. Edi Siguro hindi ako nadismaya ng ganito.

So I walked through the crowd disappointed. Nagkakasiyahan sila pero hindi ko na ito pansin. Nawala na ako sa mood na maging masaya ngayon.

"Hey Zack!" I saw Lucy and my friends waving at me on the other side.

Ako naman ay kumaway din ng konti just to point out their attention. At nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kanila.

Dahil sa nawala na ang gana ko, gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang kalimutan pa ang nangyari. Gusto ko na sana siyang burahin sa isip ko pero- pero hindi ko kaya.

"Hey Zack!" Imik ni Jasmine sa harapan ko. Hindi ko na namanlayan na nakarating na pala ako sa kalapit nila. "San ka ba galing?"

"Oo nga. San ka nagpunta?" Dagdag pa ni Athena.

"May pinuntahan lang ako" sabay ngiti ko ng konti. Para magpanggap na naman. Para pagtakpan na naman ang kalungkutan sa puso ko na matagal ko ng nakakubli.

"Oo nga pala. Kailangan ko ng umuwi" dagdag ko pa.

"Teka! Bakit ka uuwi agad? Hihintayin pa natin yung results oh?" Said Jasmine at mabilis namang sumang-ayon ang iba ko pang mga kasama. Si Lucy naman ay bakas din ang pagkagulat sa kanya mukha.

"Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko" lie. Nagsinungaling na naman ako. Madalas na akong ganito lalo na kung nalulungkot ako. All I want is to separate myself into everybody else and be with myself. Gusto ko ngayong mapag-isa at mag-isip na lang.

"Kung ganun. I'll come with you" pagyayaya ni Lucy. "Sasamahan na kita pag-uwi"

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko"

"Sige na. Ihahatid na kita. Baka kung mapano ka pa sa daan" I see how Lucy's face becomes so worried this time.

"Ok lang ako. Para ka namang hindi na nasanay sakin" I smiled back to her worried face.

Tumalikod na ako and I just raised my hand to say goodbye. Baka kasi pag lumingon pa ako uli, mahalata niya na nagsisinungaling lang ako.

Hindi ako okay.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now