Chapter 19 - Everything has Changed

35 3 0
                                        


A night after. . .

Luckily, nakauwi naman ako ng ligtas at maayos. Maliban sa ilang mga pasa at sugat na nakuha ko ng dahil sa away kagabi. Masuwerte ako dahil napigilan agad nung guard yung grupong nanakit sakin. Hindi naman talaga ako sanay makipag-away eh pero talagang sumabog ang galit ko kagabi.

"Bu- but" hindi ko na mababago ang pag-alis niya. Ang pag-iwan niya sakin ng ganun ganun na lang.

"This day was just-
just not the same"

As I tried to open my eyes from my sleep, I feel like this day was not the same. I am having this unusual feeling na alam kong may kulang, na kahit magpanggap man ako ay alam ko sa sarili ko ang totoo. Hindi na siya babalik. Hindi na.

"Come on Zack! Wake up and don't be so blind by the fact na pwede magkaron ng kayo" I face palmed depressly. Alam ko namang wala talaga kaming official na pinagsamahan eh. She just came into my life in an instant and whala! Everything has changed. And now- she is gone for good.

"You just need to move on Zack! Ahh move on!"

Umupo ako sa pc sa kwarto ko and just forced myself to play my usual games. I do this a long time ago noong lagi pang nag-aaway ang mga magulang ko para mabaling ang attention ko sa ibang bagay. I know na dapat hinaharap ko ang mga problema ko at mali ang pagtakas pero ginagawa ko pa rin eh. Just like me, all of us have our own ways of escaping our problems at ito ang paraan ko.

Naalala ko pa nga nung bata pa ako, I was deeply addicted into computer games at di yun nagustuhan nina mom and dad. That's why mom introduced me to some sports and especially into music. Which turned out into a good way kase mas nadevelop ko pa ang iba kong mga talent. And now it seems like it is coming back again. My old and depressed self is coming back just because of that-ahh! Ang gulo na ng isip ko and it's making me sarcastingly laughed at myself.

Natigilan ako nang biglang tinawag ni yaya ang pangalan ko habang kinakatok ang pintuan sa aking kwarto.

"Zaack! Lumabas ka na daw sa kwarto mo at gusto kang makausap nina maam at sir"

Pagkarinig ko pa lang sa boses ni yaya ay alam ko na agad na this can't be good. Hindi ako kakausapin nina dad ng basta-basta lang at walang mahalagang dahilan.

"Ok yaya! Bababa na ako"

Pumasok lang ako ng cr at naghilamos. Tumingin ako sa salamin at napansin ko puro pasa pala ang mukha ko. Ayoko sanang makita ito nina mom but I don't care anymore na para bang I don't wanna be that good boy to them anymore. Nagbago na ang lahat sakin simula kagabi.

Habang papababa ako ng hagdanan ay nakita ko sina mom na magkarap sa isa't-isa as if they are talking to each other about something at rinig na rinig ko ang usapan nila habang ako ay nakatayo sa hagdanan.

Mom-"I'm sure na may magandang dahilan si Zack honey kung bakit nangyari yun"

Dad-"Siguraduhin niya lang and it's better be good this time"

Mom-"I am pretty sure he has"

Hindi ko na napigilan at bumaba na ako sa kanila.

"Mom! Dad! What is it?" Tanong ko habang nagkukusot ng mga mata para matakpan at hindi nila mahalata ang mga pasa ko sa mukha.

"Ganito kasi Zack- mahinahong pagsasalita ni mom "We just heard na may dinaluhan ka daw palang party"

"Oo tama po kayo. It's last night the Halloween ball. Why? What's the problem?" Pagsasalita ko na di nagpapahalatang alam ko na kung ano ang patutunguhan ng usapang ito.

"And we heard. . " said mom

"We heard na nakipag-away ka daw?! For God's sake Zack! Nasisiraan ka na ba?" Pagpuputol ni dad. "I thought nagbago ka na? I thought. Well I guess hindi pa pala. Ano ba pumasok sa isip mo huh?" it's very frustrating na sa isang pagkakamali ko lang ay nahusgahan na kaagad ako ni dad.

"But Dad?! They are the ones who started it! Nadamay lang ako!" I was so angry that time.

"Nadamay huh?! Ganyan pala ang mukha ng nadamay. Just look at you face!" Di ko na natago at napansin na pala ni dad ang mga pasa ko sa mukha. "You look like some kind of- uhhh!" ngayon ko lang nakita na ganito kagalit sakin si dad. I feel like napakalaki ng kasalanan ko kahit hindi. Ako na lang ba lagi ang mali sa mga paningin nila?

"What?! Ano pa dad? Ha?! Sige lang magalit ka pa! You two don't really care for me the first place didn't you?" I looked at dad and mom's face at parang natahimik silang dalawa sa mga sinabi ko.

Sa sagot kong yun ay nakita ko sa mukha nina mom and dad ang magkahalong gulat at guilt. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko nasabi sa kanila yun. Dati naman natitiis ko ang galit ko pero I am so depressed right now and lahat ng hinanaing ko ay parang sumabog na lang bigla.

"Ganun ba kalaki ang disgrace na binibigay ko sa pamilya natin?! Because I am tired of living on it and ayoko na dad. Eto ako at di na magbabago yun. I don't wanna be your perfect son anymore." This all started kasi dahil mag-isa lang akong anak at alam kong malaki ang inaasahan sa akin nina mom and dad and that's what I hate the most. I hate them pushing me to a person that isn't me. Parang gusto nila lagi na makita ako bilang kanilang perpekto at di nagkakamaling anak.

"You know what dad?! Sorry ok! I'm sorry!" Mom and dad remained paralyze sa mga harapan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at parang gusto ko na lang takasan ang lahat. Minsan kasi mas maganda munang mapag-isa para makapag-isip-isip.

Kaya naisip kong tumaas na lang at magkulong sa aking kwarto. I have nothing left on me. I ran into our stairs not looking on mom and dad's face because I don't wanna feel guilty of what I have said. It's better for me kung mapag-isa na lang ako. Habang umaakyat ako ay napansin ko din ang itsura ni yaya na nakatingin din sakin na tila ba gulat din sa iniarte ko.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama ko. Parang galit na galit ako sa mundo ngayon.

"Aah! Bakit sakin pa? Bakit ganito pa ang nararapat na buhay sakin?!" Sinabi ko sa sarili ko habang sinusuntok ang kama.

I just wanna rest now. At gusto ko lang magpahinga at mag-isip-isip.

"Nasan ka ba ngayon ha? Scarlet?"

Apparently sa isang ospital.

"Come on sweetie, gumising ka na. Mom and dad are waiting for you to come back. We aee waiting for you here"

"Tiiiiiiiit!" Tunog ng life support monitor. Nagflaflat line ang pasyente.

"Anong nangyayari? Sweetie! Kaya mo yan! Magpakatatag ka"

"Somebody call the doctor! Nurse! Nurse! Tawagin niyo ang doktor! Nag-aagaw buhay siya!"

The doctor came at nagpanic sa ospital. Nagmamadali ang lahat na maghanda ng mga gamit.

"Nurse! Pumunta kayo dito! We have a 50-50 situation here! Come on faster!"

"Charge!"
.
.
.
"Clear!"
.
.
.
"It's not working doc!"
.
.
.
"Charge it again!"
.
.
.
"Then clear!"
.
.
.
"Isa pa!
.
.
.
"Clear!"
.
.
.
"Doc! She's stabilizing. I repeat she's stabilizing!"

"Welcome back Nicole! Welcome back!"

My Ghost BestfriendStories to obsess over. Discover now