Chapter 14 - Irritated

54 5 1
                                    

Chapter 14 - Irritated

Time check: 5:30

Hapon na and I am still on Zack's tree house kasama si. . . Marcus. Bigla kong naalala, si Zack. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Marcus? Tatanggapin niya kaya ito.

Siguro ay nasa school pa siya ngayon at abala. Pero sa kabilang banda ay nag-aalala rin ako. Nag-aalala na baka maguluhan ulit lang siya sa mga nangyayari at ayaw kong mangyari yun.

Zack's POV

"Yeesss!" I shout while raising my hand very cheerful. "Natapos din ang lahat ng exam namin. Hahaha" tumingin ako sa mga kaklase ko and it seems that they are very relieved also because finally exams this grading are over and luckily we all survived! Hahaha.

Then lumabas ako ng room.
"Guys! Sa wakas natapos din. Hahaha" sabi ko sabay high-five sa aking mga kabarkada.

"Oo nga. Hahaha. Oh ano na gagawin natin?" Sabi ni Marc

"Ewan ko" sabi naman ni Cedric

"Tara! Basketball tayo! Tutal tapos na din naman ang klase natin eh" suggest ni Clyde

"Ikaw Zack!? Sama ka?"

"Ahmmmm. . ." Nagdadalawang-isip ako kasi hahanapin ko pa yung weird kong bestfriend pagkauwi ko eh.

"Oh ayan ka na naman! May lakad ka na lang palagi eh. Hahaha" wika ni Cedric

"Tara na Zack! Sumama kana! Bihira na lang tayong mawalan ng gagawin oh" dagdag pa ni Marc

Naisip kong tama si Marc kasi bihira na nga lang tong pagkakataon na to, kaya pumayag na ako.

"Oh sige na hahaha. Pumapayag na ako" sabay kamot ko sa ulo ko.

"Oh tara na!"

At ayun pumunta na nga kami sa court at naglaro. Halos ilang oras kaming naglalaro at parang hindi napapagod. Libang na libang kami dito kase bihira na kaming makapaglaro.  I remember nung hindi pa kami magkakakilala and basketball is the reason why we became friends until now.

At ngayon ay eto kami at naglalaro uli. Magkakampi kami ni Cedric at yung dalawa naman ni Marc at ni Clyde ang magkakakmpi.

"Zack! Pasa!" Sigaw ni Cedric at pinasa ko naman yung bola sa kanya. Tumakbo ako sa may ring and suddenly I was open.

"Cedric! Dito naman!" Sigaw ko din sa kanya na nagdridribble pa rin ng bola. Pinasa niya uli sa akin at shinoot ko na.

"Whooooo! We won the game! Hahaha" ang saya ko nun.

"Nice shot Zack. Hahaha. Walang kupas ah. Hahaha!" said Cedric

"Thanks bro!" Then naghigh-five kami.

"Nice game Zack! Hahaha"

Then umupo na kami sa side chairs ng court. Kinuha ko na yung bag ko at naglabas ng mga damit para makapagpalit na. Obviously I don't want to catch any cold dahil sa pawis.

"Guys palit lang ako ha tsaka punta na pati akong cr" I said

"Ok" sabi nila ng sabay-sabay at mukhang pagod na pagod na.

Then nagpunta na nga ako sa cr just like what I said. Sa cr ng building namin ako pumunta. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang malaking salamin sa harapang ng malaking cr. Medyo madilim dito dahil sa medyo dim light bulb na gamit. Medyo nagpapatay-buhay din ito sa hindi malamang dahilan. Naisip ko na kung sa ibang tao ito mangyayari at papatay-patay ang ilaw, ay marahil natakot na sila at nagtatakbo. Pero sakin? Never hahaha. Saan pa ba ako matatakot? Sa multo? Hahaha. Kung alam lang nila.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now