Chapter 12 - A Usual Day
Kinabukasan ay mga 6:00 am ako nagising. Pero inaantok pa talaga ako ngayon kasi parang hindi himbing ang tulog ko kagabi. Pagkabangon ko ay lumingon-lingon muna ako sa paligid at hinahanap ko si Scarlet.
"Scarlet?! Are you here?" medyo pasigaw kong salita.
Pero walang sumagot at siguro nga ay wala s'ya dito sa kwarto ko ngayon. Lumingon-lingon uli ako sa paligid at pagakakita ko sa date ay lunes na pala uli at hala lagot! "Tapos na nga pala ang sem break at may pasok na uli!"
Parang naalimpungatan ako sa nalaman ko at dali-dali akong nagtoothbrush at naligo. Ilang sandali pa ay narinig ko si yaya na sumigaw galing sa baba.
"Zaaaaccck! Kumain ka na ng breakfast at malelate ka na sa school mo! Lunes na ngayon"
"Sige po matatapos na po ako" kahit hindi pa naman talaga. Hahaha. Loko din ako minsan eh.
Pagkatapos nun ay bumaba na ako at kumain. As usual mag-isa na naman akong kumakain sa harap ng mesa. Maagap kasing umalis sina mom and dad para sa work nila eh. Si yaya naman ay busy sa kusina at naglilinis.
Ilang sandali pa ay tumunog yung school bus galing sa labas ng bahay. Hala? Ang agap naman. Siguro dahil nga first day uli ng pasukan.
"Yaya! Alis na po ako ha? Nandiyan na po yung school bus eh!" Sigaw ko kay yaya na nasa kusina pa rin.
"Sige Zack! Ingat!"
Pagpasok ko ay punong-puno yung school bus kasi first day nga ng school. Pagbungad ko pa alang ay napakaingay na ng paligid na para 5 taong hindi nagkita ang isa't-isa sa kanila. Makikinig mo ang tsismis ng mga medyo mga kikay girls sa kanang bahagi at istoryahan naman ng mga boys sa kaliwa ang marirnig mo.
Paglalakad ko pa lang ay ang daming bumabati sakin na mga babae. Since di ko naman mga kilala ang iba sa kanila ay nginingitian ko na lang ang iba.
"San kaya ako uupo?" Sabi ko sa sarili ko.
"Dito Zack! Pwede pa ditong umupo oh sa tabi namin!"
Lumingin ako at nakita ko ang mga kabarkada ko na nasa back seats at naglilikutan na parang mga isip bata. Ngayon ko lang uli sila nakita matapos ng mga weird na nangyari sakin this oast few days. They make me remember na meron pa rin pala talaga akong normal yet happy life.
"Sige guys! I'm coming!"
At naglakad na nga ako sa likuran at umupo sa katabi nila.
"Hi guys!" bati ko
"Oh Zack! Ikaw? Ano ginawa mo ngayong sembreak?" Sabi ni Harell
Naisip ko yung mga nangyare sakin. Hindi naman sula maniniwala kung sinabi ko yung totoo. Even me myself could not believe it also.
"Ahmmm. Wala ako halos pinagkaabalahan eh. Lagi lang akong nasa bahay"
"Aaah. Himala yata ah. Hindi ka yata nag "girl hunt" ngayon" sabaya tawanan nilang lahat at tumawa na din ako.
Halos ang ingay namin sa loob ng school bus sa kasagsagan ng biyahe. Mag ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school.
"Haaaay! Pasukan na naman! Ugh" bungad na pananalita ni Marc
"Hayaan mo na. Makikita mo na naman crush mo eh. Hahahaha" pagbibiro ni Clyde.
Tawanan lang kami nun. Naisip ko na may normal pa rin pala akong buhay matapos ng lahat ng nangyari at nalaman ko sa mundo. I only thought that humans are alone in this world but nalaman ko na merong mga dark matters na kahalo ang mundong ito. Haay. Sabay buntong hininga ko na parang pagod na pagod.
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
ParanormalA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...