Chapter 23 - Nothing Important

33 4 0
                                    

Chapter 23 - Nothing Important

Habang kumakanta ako sa banda kahapon ay ramdam na ramdam ko ang bawat linya na aking binibigkas galing sa awiting iyon. Bigla na lang tumulo ang luha ko ng mga sandaling yon. Nagpaalala lang sa akin na kahit anong pilit kong itanggi, kahit anong pilit kong iwasan, kahit anong pilit kong kalimutan, may parte ka pa rin sa puso ko. May parte pa rin sa akin na naniniwala sa'yo.

Umaasa pa rin ako na magkikita uli tayo kahit sa huling pagkakataon man lang uli.

Scarlet.

Gising na ako kanina pa pero hindi ko magawamg bumangon. Wala pa akong ganang tumayo. Nakakailang tawag na nga si yaya sakin sa baba eh. Pero hindi ko pa kaya. Parang wala akong lakas upang simulan ang araw ko ngayon. Ewan ko ba pero sadyang wala ako sa sarili simula pa kahapon. Para bang may pakiramdam ako na kakaiba sa araw na 'to ngayon.

Ngayon ang araw ng tugtog ng banda namin. Ayos lang sakin kahit magskip ako ng klase kasi excuse naman daw kami. Dapat kase ngayon ay naghahanda na ako para mamaya pero hindi ko talaga magawa eh. Mahalaga ang araw na ito but it feels like this day is nothing important at all. Nanghihina ang isip ko ngayon at parang naapektuhan na pati ang katawan ko.

Naalala ko uli kase siya.

Kahit mag-isa lang ako ay napatawa na lang ako sa sarili. "Ano bang mayroon sa'yo? Bakit hindi kita makalimutan? You just came into my life and everything just happened with a glimpse of an eye. Napakadali lang"

Pero anong magagawa ko? Wala ka na at kailangan ko na lang magfocus sa mga bagay na nandito ngayon. Huminga ako ng malalim at bumangon na.

Pagkabangon ko ay napansin ko ang cellphone ko na kanina pa nagriring. Naka-27 missed call na pala siya. Nakasilent kasi ito kaya hindi ko nasasagot.

Dinampot ko ito at nakita ko na tumatawag si Lucy sa akin. Ano bang kailan ni Lucy ngayon? Bakit kaya siya tumatawag?

Agad kong dinampot ang cellphone ko at sinagot na ang tawag ni Lucy.

Bago pa ako bumati sa kanya ng hello ay bumungad na agad sa akin ang maingay niyang boses.

"Hey Zack!" She scolded. "Ano bang iniisip mo? Anong oras na oh? Hindi ka pa ba papasok?!"

Napatawa na lang ako at sumagot ng parang tinatamad pa. "Maagap pa naman ah. And we're excused in class now kase may practise kami"

"Exactly!" Ang ingay talaga ng boses niya kahit sa phone lang. "Battle of the bands will be later today. Hinahanap ka na ng mga bandmates mo!"

"Yeah. Yeah I know. Eto na nga oh, bumabangon na ako" sabay hikab ko pa.

"What?!" Sigaw na naman niya. "You just woke up?! Haay!" Kahit nasa phone man si Lucy ay na-iimagine ko na ang itsura niya ngayon. "Kailan kailan talaga, ang tamad tamad mo"

"Oo na. Sakit ko na yun eh. Sabihin mo, maghahanda na akong umalis. Wait for me later huh?"

"Okay okay. Dinadaan mo na naman ako diyan sa charm mo eh"

"Hahaha" tawa ko. "Alam ko! Oh sige na. I'm gonna get myself ready. Bye!"

Bigla ko na lang siyang pinatayan ng phone. For sure she will make me pay for it later. Pero wala na akong pakialam. Sanay na ako sa mga sermon niya since the last 6 months. Magmula kase nung gumaling na siya ay bumalik na yung masigla niyang personality.

Matapos nun ay nag-ayos na ako ng sarili at naghanda na upang maligo. Baka kasi malintikan ako kay Lucy kapag nagtagal pa ako eh. At isa pa kailangan na nga din naming magrehersal ng banda ko.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now