Chapter 26 - Nicole Albertson
Scarlet
The day I was born into this world was full of expectations. Anong magagawa ko? Anak ako ni Alfred Albertson, nag-iisa lang namang anak ng kilala at napakayamang negosiyante sa Pilipinas. At sa amin din nakapangalan ang isang sikat na school sa lugar namin.
Bata pa lamang ako ay tinatak na sa isipan ko nina mom and dad na kailangan kong maging magaling para sa kanila.
It's so selfish right? Bakit ba hindi muna nila naisip kung ano yung gusto ko? Kung ano yung magpapasaya sakin.
I was raised to be their best asset pero sadya yatang tadhana ko ring maging biggest disappointed sa kanila. Naalala ko pa no'ng elementary days ko, it was the end of our class and my teacher announced the top ten students on our class.
I became the second place. Excited pa nga ko noong umuwi para masabi ko kaagad sa kanila ang nagawa ko, ang achievement ko. Pero anong sinabi nila?
"You were such a disappointment!" Sabi sakin ni dad not caring what would a 7 year old girl like me would take it.
Wala akong nasabi at parang kusa na lamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
"Kung magiging masaya ka na sa second place na yan, you'll never be a true Albertson!" Sigaw pa niya sakin kahit walang tigil na ako sa pagluha sa harapan niya. Hindi man lang ba niya maisip na this would be traumatic for me?
"Dapat tayo ang nangunguna sa lahat ng mga bagay. Being the second best is not an option. And I will not raise a kid to be one" dagdag pa niya. Habang si mom naman ay wala lang pakialam sa amin at busy sa kausap niya sa telepono. I can see to her na nakikinig siya pero bakit wala lang siyang pakialam sakin?
"You better be the best or else, magiging isa kang disappointment sa pamilyang 'to"
Wala akong ibang naimik kundi "Yes dad I will" at tumango na lang ako.
"You better be" sabay hawak ni dad sa ulo ko.
Yun ang pangyayaring tumatak sa isipan ko hanggang sa ngayon. I rather not fail dahil magiging isa akong "disappointment" sa apelyido ko. Minsan nga iniisip ko na lang na sana sa ibang katawan na lang ako nilagay ni God. Sana kahit simple lang ang pamumuhay namin atleast masaya kami.
Years have passed pagkatapos noong pangyayaring yun. Akala ko yun na ang huling pagkakataon na magagalit sila sa mga actions ko pero hindi pala.
Isang araw ay umuwi ako sa bahay namin ng excited dahil sa wakas ay hindi ko sila binigo dahil nakuha ko ang top 1 sa aming klase
Binuksan ko ang pintuan namin ng excited at may kahalong saya sa dibdib ko.
Pero bumungad sa akin ang itsura nina mom and dad na may kausap na isang pamilya. Halatang mayaman sila dahil sa mga suot nila. And parang namumukhaan ko na sila.
"Oh Nicole! Nandito ka na pala" Bungad sa akin ni dad habang ako ay nakatitig sa kanila ng may halong pagtataka.
"What's the meaning of this Dad? Mom?" Medyo pasigaw kong sabi na nagtataka pa "Bakit nandito sina Mr. and Mrs. Mazon?"
"Calm down sweetie" imik sakin ni Mom habang akbay aking balikat at pinipilit akong kumalma.
"Mom? What's the meaning of this? Ipaliwanang mo" pabulong ko kay mom.
"Ahmm Nicole. I want you to meet Ken Mazon" sabay lingon ko sa kanila.
Bumungad sa akin ang larawan ng isang lalaking panganay na anak ng mga Mazon. Matipuno ang pangangatawan nito na halatang hindi nagpapabaya ng basta-basta.
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
ParanormalA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...
