Chapter 28 - Eyeing for ghosts
Nakita ko ang reaction ni Scarlet habang tinitingnan niya ako noong gabing yun. Noong gabing nasa bahay nila ako and all I ever think about is her face right now.
Ilang araw na ang lumipas pero madalas ko pa ring naaalala ang pangyayaring yun. The look on her face and the way she look at me? It's very different. Parang lahat na lang talaga ng pinagdaanan natin ay nawala na. Nakalimutan mo na. Ganun ba ako kadaling kalimutan?
Siguro nga wala na akong magagawa.
Hindi mo na ako naaalala.
At ngayong araw na 'to, pakiramdam ko ay sobrang sluggish ng pakiramdam ko. Kahit nga pagtayo ay kinatatamaran ko pa. Ewan ko ba pero talagang may mga araw na ganito ako. Mga araw na gustong mapag-isa at mag-isip muna.
It's past 7:00 am na pero bago pa lamang akong nagreready na pumasok. Besides, wala namang prof eh. And I am not in the mood to go to school anyway. Sigurado naman na hindi rin ako makakapagfocus.
Kumain muna ako pagkatapos kong maligo. Pero bigla namang may nagpop na text sa cellphone ko.
"Hey. Where are you now? Bakit di ka pa pumapasok?"
"Are you trying to skip class again?"
"May problema ka ba?"
"Hey Zack! Answer me" - Lucy
Tiningnan ko lang ito pero wala akong gana na magreply. Gusto ko lang munang mag-isip at pagaanin ang mood ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan ko ito mararamdaman. Ang lungkot.
Sobra.
Pagkatapos ko mag-ayos ay naghanda na ako para pumasok. Malapit nang mag 8:00 o'clock at siguradong malelate ako nito. But this is the only way to calm my mood. To be with myself.
Maya-maya pa aya lumabas na ako sa bahay at nag-abang ng jeep sa may labasan. Ilang sanadali lang naman ay madali akong nakahanap ng masasakyan.
It's strange pero walang laman na tao ang nasakyan kong jeep. Yung driver lang ang nakikita ko at ako. Sobrang strange nito pero di ko na lamang pinansin hanggang sa nakarating ako sa may lrt station. Nakasanayan ko na kasing mag-lrt na lang para tipid.
Pagkarating ko sa lrt station ay kokonti lang din ang tao. Siguro nay event na importante kaya ganito kaunti ang tao sa station ngayon. Well, I don't care.
Agad akong umakyat sa istasyon na patutunguhan ko and may mga tao naman pala kahit papaano. Lahat may kaniya-kaniyang ginagawa. Ang iba ay cellphone ang hawak, ang iba naman ay nagpapaypay at ang iba naman ay may kakwentuhan na kasama nila.
But something captured my eye. Grupo ito mg tatlong babae na nakasuot ng uniform. Medyo luma na yung mga uniform nila at hindi ko alam kung saang school ito.
It's strange na nakaupo sila sa may gilid ng riles at nakalawit ang mga paa sa railtracks. Hindi ko alam pero parang hindi sila napapansin noong guard. Bawal kasi yun at sobrang delikado kaya nilapitan ko yung guard na nasa may kaliwa ko at sinabi ko yung tungkol sa mga babae.
"Kuya! Are they probihited to do that?" I said.
"Alin po ang tinutukoy niyo sir?" Sabi nung guard.
Hindi ba halata na tinutukoy ko yung mga babae? Nakikita naman siguro niya yun di ba? And besides trabaho niya yun.
"Ahmm. I mean yung tatlong babae na nasa may riles at parang naglalaro lang? Diba delikado po yun?"
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
Siêu nhiênA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...