Zack
"Finally I found you"
Pagkatapos ko makababa sa taxi ay agad kong tinanong kay Mom kung nakuha niya nga ang adress ni Scarlet, I mean Nicole pala ang tawag nila sa kanya. Pero alam ko siya yun. I can't be wrong and I can feel it.
"Mom!" tawag ko kay Mom na kumakain sa mesa.
"Oh Zack. Nakauwi ka na pala. I thought may battle pa kayo ng banda niyo?"
Ay oo nga pala. Naghihintay pa sila sa results pero umalis na ako. Pero this is important to me.
Importante siya sakin.
"Yes. But I decided to leave early" pagkasabi ko naman nun ay parang walang pakialam si Mom and she just shrugged.
"Ah Mom? Nakuha mo ba yung pinapahanap ko sa'yo?" Tanong ko kaagad sa kanya kasi yun naman talaga ang pinunta ko dito.
I want to see her. Napakarami kong gustong itanong sa kanya. Pero bakit kaya hindi niya ako naaalala. Shit. Bakit?
"Ah yeah. It's right there on the table"
Agad ko namang kinuha sa table yung kapirasong papel at tiningnan ko yun. I can see her adress. Tsaka ko dun naramdaman na malapit na ako sa kanya. Sa wakas.
Pagkakita ko nun ay parang gusto ko na agad na puntahan siya. I can't tend to waste a single second na hindi ko pa siya napupuntahan pero naisip ko na gabi na. Scarlet might be resting by now. Hindi naman siya siguro nanonood uli ng battles eh.
Gusto ko ng matulog agad dito sa kinahihigaan ko ngayon pero hindi ko magawa. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ngayon at nakita ko na ulit siya. Ngayon at pakiramdam ko ay naging simple na lang ang pangyayari. Wala ng reaper, wala ng mga multo at-- bigla ko pa lang naalala na hindi niya ako natatandaan. She doesn't even know a single thing about me now.
Shit.
Alam ko naman na ganun talaga yata ang mangyayari pero umasa pa rin ako nung nakita kita. Umasa ako na magiging ayos na ulit ang lahat. Suddenly biglang nabuo ang concept sa isip ko magiging okay na tayo uli. Kung ano tayo dati. Pero hindi.
Everythings about us seems so gone.
* * *
9:30 a.m.
Saturday
Shit. Nakatulog pala ako kagabi ng hindi ko namamalayan. Sobrang tagal kong nakatitig sa kisame ng kwarto ko at nag-iisip lang. Hindi pa rin kasi siya mawala sa isip ko. Sa loob ng 6 months ay akala ko nakamove-on na ako. Akala ko ay tanggap ko na sa sarili ko na hindi ko na wala na siya sa buhay ko. Inisip ko na lang na parang isang magandang panaginip na lang ang lahat. Pero sadyang mapaglaro ang universe na kinagagalawan natin.
Napa-smirk na lang ako. I have lost you once at hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun. Pupuntahan na kita no matter what happens. Kahit hindi mo man ako naaalala, maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang matutunan mo na ulit ang kilalanin ako.
"Goodbye Zack"
Naalala ko yung gabing nasa ball tayo at nagpapaalam ka sakin. It had been months pero naiwan pa rin yung sakit mas lalo na nung nakita kita at walang naaalala. It's like na may iniwang puwang sa puso ko na naiwan nung time na umalis ka at iniwan ako.
Well I guess nagbabalik na ang lahat uli.
I quickly gather myself dahil pupuntahan ko na ang adress na binigay ni Mom sa akin. I want to see kung ano mang nangyayari sa'yo ngayon. 'Cause I can't stand thinking about you all day. Kailangan akong may gawin kahit di ko alam kung papaano.
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
ParanormalA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...
