Chapter 17- Halloween Ball

45 5 2
                                    

Life is a fu***ng foolish path.
Most people just come and go.
And some will stay with you and help you on the way.
But sometimes, you have to let them go in order to move forward.
And unfortunately, letting go is the hardest part.
For it surely will break your heart.

* * *

Chapter 17 - Halloween Ball

Date check: November 1, 2016
Time: 7:00

"Haaaay!" Hikab ko habang nabangon sa aking kama at nag-uunat. Antok pa kase ako dahil hindi kase tuloy-tuloy ang tulog ko kagabi. Kase naman mamayang gabi na gaganapin ang halloween ball.

Naglakad ako at pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha. Kita ko sa salamin ng banyo ang bakas ng puyat dahil sa mga itim kong mga eyebags.

"Haaaay! Gaaaaad! Ano kayang kalalabasan ng mga mangyayari mamaya?" Parang may narramdaman akong masamang mangyayari. Di ko alam pero ang lakas ng tibok ng dibdib ko ngayon. Para akong natutulala kaiisip sa halloween ball.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako. Bumungad agad sa akin ang handang agahan ni yaya.

"Oh Zack! Gising ka na pala!" Said yaya Isabel. "Tamang-tama oh kumain ka na!"

Medyo inaantok pa ako at nagkukusot pa ng mata pero ikakain ko na lang siguro to. "Sige po yaya. Kakain na po ako"

At umupo na nga ako at kumain na. Si yaya ay pumunta muna sa kusina at ako na lang na naman ang naiwan sa harap ng lamesa as always. Kahit kase ganitong mga holidays ay parang hindi nauubusan ng trabaho sina mom and dad. Ano bang magagawa ko? Tutal sanay na din naman akong mag-isa.

Habang kumakain ako naisip ko kung. . .nasan na kaya si Scarlet? Should I start to worry or something? Kase ilang araw na din siyang hindi nagpapakita sa akin. Ano na kayang nangyari sa kanya?

"Aaaah!" Biglang napapukpok yung kamay ko sa lamesa. "Bakit ba nakakafrustrate ang babaeng yun?! Sino na ang makakasama ko sa ball ngayon? Haaay" buntong-hininga ko. Ano bang magagawa ko? Ghosts are really unpredictable.

Maya-maya pa ay natapos na akong kumain. Tutal ay wala namang pasok free na free akong gawin ang gusto ko. Pero wala akong maisip na gawin eh. Siguro matutulog na lang uli ako.

Kaya umakyat uli ako sa kwarto ko at sumilip muna ako sa bintana. Matatanaw ko sa kinatatayuan ko ang aking tree house. I remember nung katabi kong nakaupo si Scarlet at kinakantahan ko siya gamit ang gitara ko. Those are really precious moments to me na hindi ko malilimutan.

Napapikit na lang ako sa pagkatayo ko at pinapakiramdaman na lang ang hangin na dumarampi saking mga mukha. "Haaaay. Kelan kaya siya magpapakita uli? Please come back for me"

Scarlet's POV

It's been a couple of days nung huli kong nakausap si Zack. Sinabi kong kailangan ko ng oras para mag-isip, pero hindi niya alam na nahihirapan na ako. Patago ko siya laging tinitingnan kahit habang naggigitara siya o kahit habang nakaupo lang siya sa tree house niya.

Habang papalapit ang oras ng pag-alis ko ay mas lalo akong nahihirapang magdesisyon. If there is one thing that's keeping me in this world ay siya yun. Si Zack na bestfriend ko at nag-iisa kong kaibigan sa mundong to.

Pero parang may mali eh. It's like I am not supposed to go. Para bang nararamdaman ko na may kailangan pa akong gawin.

"Scarlet! What's bothering you?" di ki napansin na katabi ko nga pala si Marcus.

"Nothing Marcus. It's just parang may nararamdaman akong masama" I said.

"Bakit? Hindi ka ba masaya na makakaalis ka na sa mundong to?" Sinabi niya yun sa katabi ko habang nakatingin sa langit. Nasa isip ko tuloy na siguro matagal na niyang iniintay na makatawid. Siguro nandun na yung pamilya niya or something. Samantalang ako, di ko naman alam kung anong dadatnan ko dun eh.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now