Chapter 13 - Marcus the other Ghost
"You are worth it:)"
Sinabi ko yun nung gabing yun kay Scarlet and there is not a single lie on those words. Hindi ako nagsisising niligtas ko siya at mas lalong hindi ako nagsisising nakilala ko siya. All I know is she's the one thing that brings color to my world, to my boring and exo world.
After that, sinabi ko kay Scarlet na matutulog nako kasi may pasok pa ako bukas. Tsaka marami pa nga pala kaming tests bukas hala!? Si Scarlet naman eh nagpaiwan sa labas. Dun daw siya muna. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa minsan. Basta nandoon lang siya sa labas at nag-iisip. Siguro hindi ko rin siya masisisi kasi ang hirap ng kalagayan niya.
"Haaay! Gusto ko na lang matulog" sabay hikab ko. Then hindi ko na namalayan at unti-unti na akong nakatulog dahil sa pagod.
Then,
Kriiiiiiiiiiinggggggg!
Tunog ng alarm clock ko to the twentieth power pero ayoko pa ring magising.
"Haaay! Ano ba yan? Maagap pa yata eh" sabi ko habang bumabangon ng mabagal at kinukusot ang aking mga mata.Pinatay ko yung alarm clock ko at nakita ko ang oras. Naalimpungatan ako sa nakita ko kasi. . .
"Halaaaaaa!? 6:00 a.m. na? Kailangan ko nang magmadali"Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniform ko. Bumaba na ako sa hagdanan namin at magpapaalam sana ako na sa school na lang ako kakain kasi nga malelate na ako.
"Yaya! Sa school na po ako kakain ha?" Pero hindi si yaya ang nadatnan ko kundi sina mom and dad na sabay kumakain sa lamesa.
"Oh Zack? Why don't you seat here and eat with us?" Bati mom na nakatingin sakin. At si dad naman ay napalingon lang ng konti pero nagpatuloy na din agad sa pagkain.
Wow this instances are rare. I mean bihira ko silang maabutan sa hapag-kainan kasi lagi silang maaga sa mga work nila.
"Pero mom? Malelate na po ako sa school bus namin""Wag kang mag-alala ihahatid ka na lang namin ng dad mo. Halika at sumabay ka na lang sa amin dito sa pagkain" aniya ni mom
Wala na akong magagawa kundi sumang-ayon kasi hindi ko na naman mababali pag si mom ang nagdesisyon. Isa pa, pagbibigyan ko na siya kasi bihira lang kaming magkasabay na buong pamilya sa breakfast.
So umupo na ako para kumain kasabay nina mom and dad. Ang awkward ng moment nang bawat sandaling yun. Napakatahimik ng isa't-isa kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.
"So mom!? Bakit pala hindi maagap ang alis niyo ngayon?" Tanong ko
"Nagsakto kasing maluwag ang schedule namin ngayon eh kaya naisipan kong sabay-sabay na lang tayong pamilya"
"Ah ganun po pala" sabay tumango ako ng konti at nagpatuloy sa pagkain. Si dad naman ay medyo tahimik lang na nakain sa tabi namin.
"Zack. Bakit ka nga pala nagmamadali ngayon eh maagap pa naman?" Medyo nagulat ako sa tanong na yun ni dad sakin.
"It's suppose to be our quarterly examination later po kasi eh. Kailangan maagap ako sa school para makapagreview pa po ako ng konti" sagot ko.
"Ahh. Well good luck for that. Take it just a piece of cake" nakakagulat na yata talaga ang araw na ito ah. Si dad? Nagsabi ng good luck sakin? Ganito na ba talaga kalala ang global warming ngayon? Joke. It's quite rare I guess na masabi niya ang mga katagang yun. Well, siguro gusto na nila talagang bumawi sakin.
Makaraan ang ilang minuto ay natapos na kaming tatlong kumain. Kaya dumiretso kami sa kotse para makaalis na.
Bigla kong naalala, di ko pa pala nakikita si Scarlet ngayong araw na ito. Nasan kaya siya? Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakita kahit isang bakas niya. Well, siguro nandiyan lang siya at nag-iisip uli.
YOU ARE READING
My Ghost Bestfriend
ParanormalA boy trying to find his love, trying to find his soulmate. In search for this he met Scarlet, a sweet girl yet very mysterious. Eventually Zack will know that her soulmate is literally a SOUL. And thats when the conflict started. Will he choose to...