Chapter 18 - Still on the Ball

27 4 0
                                    

Chapter 18 - Still on the Ball

Time check: 9:33 pm

Paulit-ulit na lang ang tingin ko sa orasan ko ngayon. "Anong oras na oh?". Kanina pa ako nandito sa halloween ball. Hindi kase ako mapakali sa bahay. All I ever think about is Scarlet's statement. "Let's talk about it on the halloween ball". Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero it's fu***ng bothering me so hard na nakakaasar na.

Maingay ang kinauupan ko dito ngayon. Napakarami kaseng taong naririto sa loob ng ball. They are all perfectly suited by their outfits. Samantalang ako ay narito lang sa isang tabi at tinititigan sila habang nagsasayaw ang karamihan sa saliw ng tugtog.

Suddenly, I saw my classmates na malapit sa kinatatayuan ko. Kasali pala sila dito ngayon hindi ko alam. Ayoko mapansin nila ako kase kilala nila na hindi ako mahilig sa nga ganitong "social gatherings" what so ever. I'd rather be with myself kaysa magsayang ng oras at magpakasaya dito kasama ang kung sino-sinong mga tao.

"Uy Zack! Nandito ka pala?" Said Bridgette and some of her friends (they are my classmates na pakiramdam nila eh famous sila sa lebel na nakakalet down na ng iba)

"Oh hi guys!" Though they are my classmates,hindi talaga ako masyadong close sa kanila di katulad ng mga barkada ko.

"Sino kasama mo dito Zack? Nakakagulat ha. Yung makita ka sa mga ganitong party eh hindi ka naman mahilig sa mga ganito."

"Ahmm oo nga eh. Naisipan ko lang na lumabas ng bahay eh. Hahaha" medyo tumawa ako dun just to show na friends ko sila syempre.

"Ahhh. Tara sama ka samin mukhang ang lungkot mo diyan sa upo mo eh" nakakagulat naman na ang bait yata nila sakin ngayon.

"Ahmmm" sa totoo lang tinatamad talaga akong sumama sa kanila kase maoOP lang ako. Pero ayoko din namang maramdaman nila na baka ayaw ko silang kasama pero tumanggi pa rin ako. "Sige next time na lang. May hinihintay pa kasi ako eh. Salamat na lang hahaha"

"Sige Zack. Mauuna na kami byeee" at umalis na nga sila. Mabuti na lang. Ang awkward kasi pag makakasama ko yung mga yun.

At heto na naman ako at nakaupo sa isang tabi. "Ahhh. Nasan ka na ba Scarlet?"

Suddenly, may narinig akong boses. "Pssst!" Para bang bulong lang ang tunog nito pero rinig na rinig ko pa rin sa kabila ng malakas na tugtog sa party.

"Zack!"

Si Scarlet ba yun? Oh pinaglalaruan lang ako ng utak ko ulit?

"Zack! Nandito na ako"

At narinig ko na naman. Sigurado na ako na siya nga yun. Pero nasan kaya siya? "Nasan ka Scarlet?" Pero wala akong narinig na sagot. Di kaya guni-guni ko lang talaga yun?

Bahala na. Tumayo ako mula sa upuan ko at nagpaikot-ikot sa loob ng ball. Hindi ko alam kung saan magsisimula ng paghahanap pero sinubukan ko pa rin just to find her.

Halos hindi ako makadaan dahil sa siksikan ng mga tao dito ngayon. Isabay mo pa ang maingay na tugtugan na lalong nagpapagulo ng paligid. Bawat sulok ng lugar ay halos pinuntahan ko na pero bigo pa rin akong makita siya.

Nandito nga kaya siya ngayon? Sisipot kaya talaga siya? "Nasan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko as if gusto kong iparating sa kanya.

"Lumingon ka sa likod mo" What the?!! Totoo na ba tong naririnig ko ngayon? Si Scarlet na ba yun? Alam kong siya na to. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko gaya ng narinig kong sinabi niya.

Ang bilang ng nagtitipon-tipon na mga tao ay parang biglang nagsitabihan na para bang may bumukas na daanan. Dahan-dahan kong nakita ang isang babae. Isang babae na alam ko kung sino. Walang duda na siya na nga yun. Muli kong nakita ang mukha niya, ang puti niyang damit at nasa harapan ko na siya.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now