Chapter 24 - Illusion

27 3 2
                                    

Chapter 24 - Illusion

Ayoko talaga ng feeling ng natatalo.

Yan ang tumatak sa isipan ko simula pa noong nagkaisip ako sa mundong ito. People kept telling me that being second place is a great thing. But for me, being the second place only means that you are the first loser. Kaya itinatak ko na isipan ko na ayoko ang natatalo.

"Haay!" Buntong-hininga ko for the thousandth time. Ang tagal kase magsimula ng program eh. Ang dami pang mga nonsense na palabas.

"Hey Zack! Pang-ilan kayo magpeperform?" Tanong sakin ni Lucy.

Nandito kase ako sa front seats kasama ang mga kabanda ko. Matapos naman kanina, sabi ni Lucy ay galing pa siya sa bahay nila. May ginawa lang daw kase siya eh.

"Ahmm. Una kami magpeperform eh" sagot ko.

"What?!" Oa na reaksiyon ni Lucy. "Bakit naman kayo ang nauna?"

"It's okay Lucy. Maganda na rin naman yung nauna eh"

"Haay! Wala na tayong magagawa"

"Hahaha. Ang OA mo talaga" sabay point ko ng daliri sa noo niya.

"Aah! Hindi ah" She crossed her arms na kunwari ay nagtatampo.

"Ayan ka na naman" sabay tawa ko ng konti. "Malapit na kami oh. Wish us luck"

"Oh sige na nga. Aalis na 'ko. Good luck Zack!" Sabay kiss sa cheeks ko. Ako naman ay nagulat sa ginawa niya dahil maraming tao ang baka nakatingin samin.

"Ano ka ba Lucy? Nakakahiya oh. Hahaha"

"Wag mo silang pansinin. Bye dun na ako sa likod" At lumakad na nga si Lucy papunta sa uupuan niya sa may parteng likod kung nasaan ang mga audience.

"Outcast you are next!" Narinig kong sabi nung emcee. "Pumunta na kayo sa backstage"

Nakaramdam ako ng konting kaba dahil dun. Susunod na kami sheet! Anyway, sa wakas ay magbubunga na rin ang ilang araw naming paghihirap sa praktis.

"Zack! Tara na daw sa backstage!" Sigaw sa akin ni Jasmine dahil medyo natutulala na naman ako. Ewan ko ba pero parang wala ako sa sarili ngayong araw na ito simula pa noong pagkagising ko.

Wala akong pinagsabihan kahit sino pero ilang gabi na rin akong nananaginip ng kakaiba.

Isang babae.

Napapanaginipan ko ang isang babae. It all started a week before this day at habang papalapit ang araw na ito ay lalo itong lumilinaw.

Sa una ay nasa stage kami ng mga banda ko at tumutugtog. Pero ilang sandali lang ay parang napupunta na ako sa isang malawak na grass field. Sa tabi ng isang puno ay may nakatayong isang babae. I can't see her face because it is covered with her hair. Pero sigurado ako sa sarili ko na kilala ko ang babaeng yun. Ramdam ko na magaan ang loob ko sa kanya.

Sa tuwing susubukan kong maglakad papalapit sa kinatatayuan niya ay para bang mas lalo lang itong lumalayo. Pero noong sa wakas at nakalapit na ako sa kanya. Sa sandaling hahawakan ko na siya at hahawiin ang mga buhok niya para makita ko ang kanyang mga mukha ay namamatay ako sa panaginip ko at nagigising na. Pero bago mangyari yun, may salita muna akong naririnig. Naririnig ko ang pangalan ko na kanyang binibigkas.

"Zack. Please find me"

Bago pa man ako makapagtanong sa kanya ay namamatay na ako at nagigising sa aking tulog. Nagpatuloy ang panaginip kong ganito hanggang kagabi at palagay ko ay ngayon na yun matutuldukan.

"Huy Zack! Sabi ko tara na backstage! Tayo na ang susunod" nahimasmasan ako ng tawagin ako uli ni Jasmine na kanina pa umiimik sa harapan ko pero hindi ko naririnig.

My Ghost BestfriendWhere stories live. Discover now