First Page / August 1, 2016

1.3K 77 28
                                    

Iniwan ko muna sa cabinet ko ang diary. Ayokong mabasa ito ng asawa ko dahil nakakahiya. Ayoko mang ilihim sa kaniya, ayoko rin namang mabasa niya kung gaano ako kahina no'ng college.

"You're done?" Tanong ng asawa ko pagbaba ko.

Tumango ako bago kami pumunta sa dining table. Naka-order na siya ng mga pagkain at s'yempre, healthy foods lahat. I'm here to support her kaya pati ako, healthy foods lang din ang kinakain. As much as possible, ayoko siyang tinatakam sa mga pagkaing p'wede sa akin pero bawal sa kaniya.

After naming kumain, maaga kaming pumunta sa k'warto. Ginabi na kasi kami sa paglilipat dahil galing kaming Manila, at nasa Tagaytay ang bagong bahay na nilipatan namin. Traffic pa kaya ginabi talaga kami.

Mabilis nakatulog ang asawa ko.

I took that chance to open my cabinet, and pick up the diary.

Nang mahawakan ko 'yon, maraming ala-ala ang bumalik sa isipan ko.

Ang diary na 'to...

Maraming alam tungkol sa naging buhay ko noon.

Hindi ko na maalala kung anu-ano ang mga sinulat ko rito noon, at dahil sobrang curious na ako, binuksan ko na ito at nagsimulang magbasa.

***

August 1, 2016

PERSONAL PROPERTY OF MATTEO.

Akin 'to! Humanap ka ng sarili mong diary.

Hindi 'to jowa na p'wede mo nalang agawin.

Akala mo lahat p'wedeng agawin e.

Nangangagat ako sige ka! Rawr!

Personal Info.

Name : Matteo Lampador

Age : 18 physically, 14 mentally.

Sex : 3 times a day dati, ngayon tagtuyot na e. Lol. S'yempre male.

Contact number : 0922 di matutu kasi bubu.

Favorite subject : Science. Cause I believe in God.

Favorite food : Bahay kubo.

    P.s. katamad isa-isahin ang gulay.

Motto : Kung 'di kasya, 'wag pilitin.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon