August 26, 2016
Marami kaming napag-usapan ni Sandy.
Kung gaano kami kasaya na nakita na ulit namin ang isa't-isa.
Kung bakit mas lalo siyang gumanda.
Ang sabi niya, mas lalo raw akong gumwapo. Mas lalo raw akong tumangkad at for sure, may girlfriend na raw ako.
Kung alam lang niya na imposible ang sinasabi niya. Girlfriend? Siguro magkakaro'n, kung hindi lang ako nabuhay sa katawan na 'to.
Sabi niya rin sa akin, papasok na siya sa Monday. Magiging magkaklase kami pero kalahati ng isip ko ayaw na maging kaklase siya.
Lahat ng mga kaklase ko, mainit ang mata sa akin. Ewan ko. Siguro dahil ako lang ang kaya nilang lahat.
Kaya if ever na maging kaklase ko nga si Sandy, marami ang p'wedeng mangyari.
a. Kung kakampihan ako ni Sandy at hindi ang mga kaklase ko, for sure ma-bubully rin siya.
b. Kung kakampihan ni Sandy ang mga kaklase ko, (na tingin ko ay hindi niya gagawin dahil magkababata kami), bubulihin niya rin ako. Mas masakit yata 'yon.
c. Baka wala pang isang linggo, kick out na si Sandy dahil may kina-away. O kaya expelled.
Hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari sa Monday.
Sa ngayon ang iniisip ko nalang, ay si Daddy na umiiyak sa k'warto nila ni Mommy.
Pero wala si Mommy.
Hinding-hindi na babalik si Mommy.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...