Twenty-fifth Page / December 29, 2016

211 26 4
                                    

December 29, 2016

Hindi ko maalala kung saan kita iniwan no'ng huling sulat ko. Langya. Di ko tuloy agad nakwento sayo kung anong ginawa ko do'n sa Zandaya.

Ginupit ko lang naman 'yung buhok niya habang natutulog siya. Not that big deal right? Pero nabasa ko kasi dati, na mahal na mahal ng mga babae ang buhok nila. 'Yun ang ginawa kong basis kaya ginupit ko ang buhok niya. Paggising niya nung umaga, akala ko maiinis siya o kaya magwawala. Pero, langya.

Nakangiti pa siya sa akin non. Binati ko pa nga yung buhok nya. Sabi ko bakit ang pangit.

Pero ngumiti lamg siya lalo. Sabi niya, new hair style para sa new year. Tangina. Hindi manlang nainis? O baka wala lang sa kaniya ang lahat ng yon? Si daddy naman, pinagalitan ako kahit wala naman siyang patunay na ako ang gumawa kay Zandaya non. Aba, mas mahal niya nga yata 'yung anak niya na 'yon kaysa sakin.

Pero the fuck I care? Wala akong pakialam sa kaniya. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Magsama sila.

Simula nung ginupit ko yung buhok ni Zandaya, ilang araw ko na siyang pinagtripan. Minsan ginupit ko na ang mga damit na dala niya. Tinapunan ko na rin siya ng zonrox, ng pintura at mga langgam mula sa bakuran. Pero lagi lang siyang ngumingiti. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi at ang haba-haba ng pasensya niya.

O baka naman plastic siya? Baka ngumingiti lang siya kapag kaharap ako para mas lalo akong maasar? Pero kapag mag-isa nalang siya, inaaway na niya ako. Baka sa isip niya, pinapatay na niya ako?

Tama.

Baka ganon nga. Plastic nga siguro siya. Baka nagmana siya sa nanay niya?

Ay hindi. Sa tatay niya. Nagmana siya sa tatay namin. Parehas silang magaling magpanggap.

Nag-text nga pala si Sandy sa akin. Ang sabi niya buka sila uuwi galing probinsya. May makakasama na ako sa new year. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil dadating si Sandy bukas, o maiinis dahil nandito pa rin 'yung Zandaya hanggang bukas.

Pa'no ko ba mapapawala ang ngiti sa labi ng isang 'yon?

Sandali, maliligo na pala ako. Gusto ko na matulog. Kinwento ko lang sayo yung nangyari no'ng nakaraang araw.

Goodnight.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon