Pagkatapos kong magluto, umupo ako sa isa sa mga upuan sa dining area.
Hindi pa naman nagiging ang asawa ko, kaya babasahin ko muna ulit ang laman ng diary na 'to.
***
February 1, 2017
Recently, may kakaiba akong napapansin kay Sandy.
Parang ang tamlay niya. Hindi naman siya gano'n dati. Napaka-jolly ng personality niya. Palagi siyang nakangiti. Palaging may naiisip na kalokohan, palaging may paraan para maging positive. Pero ngayon, hindi ko na siya nakikitang ngumingiti. Kung ngingiti naman siya, parang pilit.
Tingin ko may problema siya.
Kaso hindi ko siya maka-usap. Mas nakatuon kasi ako ngayon sa kung paano paaalisin si Zandaya sa bahay. Ayoko pa rin siya rito.
Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, nandito pa rin siya. Wala na kayang pamilya ang babaeng 'yon kaya dito sumisiksik?
Nakakainis.
![](https://img.wattpad.com/cover/81620374-288-k199916.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...