Matteo

366 28 3
                                    

Matteo.

Matapos kong basahin ang diary ng 18 years old self ko, may isang butil ng luhang pumatak sa mata ko. Luha na mula sa pinagsamang saya, at lungkot. Lungkot dahil sa mga masasakit na naranasan ko noon. At saya dahil napagtagumpayan ko ang lahat ng 'yon.

May natitira pang isang pahina sa diary.

At gusto kong punuin ito.

Nagsulat ako sa huling pahina.

Nagsulat ako para sa mas batang Matteo.

Pagkatapos, itinabi ko sa isang ligtas na lugar ang diary. Kung saan, kahit kailan, p'wede ko itong mabasa. Kahit matanda na ako, maaari kong balikan ang panahon kung kailan ako nahirapan ng husto. At kung kailan ako bumangon, at nakuntento. Kung kailan ako nagtagumpay.

That diary, is mine.

It is the Diary of a Feeble.






---

An : May last page pa na sinulat si Matteo. Please wait for it! I'll post it soon.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon