Sixteenth Page / November 12, 2016

238 37 4
                                    


Ako ang pumunit ng birth certificate ko no'ng araw mismo ng birthday ko. Ayokong mag-celebrate ng birthday no'n. Ayokong ipagdiwang na nabuhay ako sa loob ng 19 years. Ayokong may katunayan na anak ako ni Daddy, hindi ko tanggap.

Pero alam ko, sa mismong araw na 'yon ko rin nalaman lahat ng pagkakamali ko. Lahat ng regrets ko.

Muli kong siningit sa diary 'yung punit na birth certificate ko.

Grabe, ang dami talagang ala-ala ng diary na 'to. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang itapon na 'to dahil pinapa-alala lang nito kung gaano ako naghirap noon, o dapat itago ko 'to bilang katunayan na napagtagumpayan ko ang lahat ng hirap.

Muli kong binasa ang sunod na pahina. Gusot-gusot ito at may mga parte na parang natuluan ng tubig at natuyo.

***

November 12, 2016

P'wede na akong pumasok ngayong araw, pero ayoko.

Hindi ako lumabas sa loob ng kwarto. Ayokong magpakita sa kahit sino. Ayokong makita ang kahit sino, lalo na ang tatay ko. Ayoko sa kaniya, at hindi na 'yon magbabago.

Akala niya aamo ulit ako sa kaniya kapag nagluto siya ng ulam? Kapag pinakita niyang nagbago na siya? Kapag pinakita niya sa aking kaya niyang maging ama at ina sa akin?

Akala niya ba gano'n kadaling tanggapin ang lahat?

Wala akong ibang ginawa kundi titigan ang kisame ng kwarto ko. Hanggang sa maggabi at naramdaman ko na ang gutom ko. Isang buong araw kasi akong hindi kumain, at hindi ko talaga kakayanin kung bukas pa ako kakain.

Lumabas ako sa kwarto, bumaba sa kusina at tiningnan kung anong pwede kong kainin.

May namumukod tanging malukong sa lamesa, at may papel na nakapatong sa tabi no'n. Nakasulat ang pangalan ko ro'n.

Mukhang para sa akin ang ulam na 'yon.

Pero hindi ko kinuha. Hindi ko kinain.

Gawa 'yon ng tatay ko. Ayoko sa kahit anong galing sa kaniya. Kung p'wede nga lang, aalis na rin ako sa bahay na 'to. Pero tsaka nalang, kapag nakapagtapos na ako. Sa ngayon, ang sustento lang niya ang kailangan ko. Wala nang iba.

Bumalik ako sa kwarto.

Nawalan ako ng ganang kumain.

Siguro bukas nalang, sa canteen ng school. Papasok nalang ako bukas ng maaga.

Sana bumalik nalang sa normal ang lahat.

I miss you Mie. Sana nandito ka pa rin. Sana hindi ako nagkakaganito kung nandito ka.

Sana hindi ako umiiyak ngayon na parang hindi lalaki. Tingnan mo mie, may diary pa ako. Lakas makabading diba? Ito lang kasi masasandalan ko.

Ito lang ang kaya ko.

Wala e. Mahina kasi ang anak mo mie.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon