February 11, 2017
Michael's sister, Michelle, is always following me.
Hindi ko alam kung anong trip niya, pero palagi siyang nakasunod sa akin. Palagi siyang nakikipag-usap sa akin kahit hindi naman ako sumasagot sa mga tanong at sinasabi niya. Hindi naman sa naiirita akong kausap siya, pero bakit ganito siya umasta? Parang hindi siya kapatid ni Michael na bully.
Ngayon ko lang napansin na nag-aaral din pala si Michelle sa school namin. Siguro kaya ngayon ko lang nalaman, ay dahil ngayon ko lang siya nakilala. I mean, sa National ko siya unang nakita.
Hindi ako makapag-focus kay Michelle dahil lately, may bago kay Chad at Sandy.
Hindi ko ma-explain kung ano.
Basta ang alam ko, may kung anong nangyayari sa pagitan nila.
Nga pala, 'yung kapalit na hinihingi ko kay Zandaya, nakuha ko na.
I told her to leave our house.
And she did, fortunately. Kaya wala na siya sa bahay simula nang sabihin ko 'yon. At ayoko ng alamin kung nasaan pa siya. Paki ko?
***
Matteo.
Ngayon ko lang naisip na sobrang sama ng 18 years old version ko.
Gusto ko tuloy bawiin ang mga oras.
Kaso naisip ko rin, kung hindi ako naging gano'n dati, wala ako ngayon dito. Hindi ko mararanasang maging matapang. Maging successful.
Kaya siguro, gano'n ulit ang gagawin ko kung sakaling bumalik ako sa mga oras na 'yon.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...