August 27, 2016
Sunday.
Nasa plaza kami ni Sandy dahil namiss niya raw ang plaza rito sa amin. Dahil sunday, maraming tao. Pero hindi naman siksikan.
'Yung iba, namimili ng mga sampaguita, mga prutas, mga damit at kung anu-ano pa.
Ang sarap sa pakiramdam kapag hapon, tapos nasa plaza ka. Pakiramdam mo, ang laya-laya mo. 'Yun nga lang, maingay, magulo at hindi maganda ang amoy sa paligid. But still, para ka pa ring independent dahil walang kahit sinong p'wedeng umaway sa'yo. Walang aawat sa'yo kung anong gusto mong gawin sa plaza.
Public freedom. Lol.
Nakaupo kami sa may bandang fountain. Tahimik si Sandy habang nakatingin do'n. Akala ko nga magwiwish siya dahil may hawak siyang piso, pero nagulat ako nang dakutin niya 'yung mga barya sa fountain.
Tawa siya nang tawa dahil nasa isang daan din ang nakuha niya.
Ang bilis nga niyang tumakbo.
Natatawa akong sumunod sa kaniya.
Parang hindi siya galing sa ibang bansa dahil sa ginawa niya.
Hindi naman siya nagnakaw 'di ba? Pero paano na 'yung mga wish no'ng mga taong may ari no'ng mga baryang kinuha niya?
Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng 'yon.
Baliw pa rin.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...