To the 18 years old Matteo Lampador,
Alam kong hindi mo naman mababasa ang sulat ko rito sa diary na 'to. Pero isusulat ko pa rin.
Ang dami ng nagbago sa buhay ko. Kita mo, marunong na ako ng indentation.
Isang bagay na gusto kong sabihin sa'yo... salamat. Sobrang thank you. Salamat kasi hindi ka sumuko kahit hirap na hirap ka na. Salamat kasi kahit ilang beses kang umiyak, nanatili kang matatag. Kahit ilang beses mong pinagtangkaang tapusin ang buhay mo, salamat kasi hindi mo tinuloy.
Alam kong sobrang hirap ng mga pinagdadaanan mo, pero promise, worth it lahat. Kita mo, masaya na ako ngayon. May asawa na ako. Dahil sa pagiging matibay mo, sa pagiging matapang mo, naging masaya ako. At alam kong magiging masaya ka rin tulad ko, kapag ikaw na ang narito sa panahon na 'to. Dahil sa pagiging lampa mo, gumanda ang buhay ko. Don't be offended self, pero kung hindi ka naging lampa, baka hindi ganito ang buhay ko ngayon. Baka hindi magiging ganito ang buhay mo.
Baka hindi ka naging child psychologist. Tingnan mo, tinutulungan ko na ngayon ang mga batang nabu-bully. Hindi ba't ito ang gusto mo? Ang maiwasan ng ibang mga bata ang lahat ng mga naranasan mo? Kung hindi ka naging lampa, baka hindi ka nagkaro'n ng mga tunay na kaibigan. Kung hindi ka naging lampa, baka hindi mo nakilala si Zandaya. Kung hindi ka naging lampa, baka hindi ka masaya ngayon dahil hindi mo nakatuluyan si Michelle.
Pero salamat kasi naging ganiyan ka. Masaya ako ngayon dahil worth it lahat. Masaya ako ngayon, dahil buong-buo na ako ngayon. With Michelle and our first baby, wala na akong ibang mahihiling pa. Stable na rin ako sa pagiging child psychologist. Kuntento na rin ako sa mga kaibigan ko ngayon. Kay Daddy, at kay Zandaya na may boyfriend na ngayon.
All of this is because of you. For being brave. For being strong enough to be happy again.
Remember this,
Whatever happens, you will succeed.
All the pain you had, is worth it. Because you gained a lot after that. Happiness. Friends. Family. Love.
This is Matteo Lampador, from your future. Thank you, Matteo Lampador from the past.
Sincerely yours,
Yourself.
![](https://img.wattpad.com/cover/81620374-288-k199916.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...