"Pakilagay nalang diyan ang mga 'yan," sabi ko sa mga naghahakot ng gamit.
Tumango naman sila bago iwanan ang malalaking kahon sa tabi. Pagkatapos, lumapit sa akin ang asawa ko. Humalik sa pisngi ko bago niya inihiga ang ulo niya sa dibdib ko.
"Finally, nakalipat na rin tayo. Sobrang saya ko na natupad na ang pangarap natin na magkaro'n ng sarili nating bahay. Lalo pa't... malapit na ang una nating baby." Hinimas-himas niya ang tiyan niya, gano'n din ang ginawa ko sa tiyan niya.
Napangiti ako. "I love you," saad ko.
"I love you too," sagot niya.
"Teka, mag-aayos lang ako ng ibang mga gamit. Ililipat ko na sa k'warto natin 'yung mga books. Ako na bahala sa lahat. Just rest okay?" sabi ko bago siya tumango.
"Magpapa-deliver nalang ako ng foods. Since hindi pa tayo nakaka-order ng gas. Wala pang lutuan," sabi niya kaya tumango nalang ako bago kuhain ang malaking kahon na naglalaman ng mga libro.
Me and my wife love books. We are fond of reading romance and fantasy novels. And I'm proud na dahil sa libro, nagkakilala kami.
Umakyat ako sa second floor dahil nando'n ang master's bedroom, ang k'warto namin.
Nilapag ko agad ang box dahil sa bigat. Karahimahan kasi sa mga ito, international books kaya makakapal.
Binuksan ko ang kahon para magsimulang ilagay ang mga libro sa bookshelf na nasa loob ng k'warto. 'Yung ilan dito hindi pa namin nababasa o natatapos kaya hindi pa namin tinatapon. We're thinking if we could donate all of these. Pero bahala na.
Pagkatapos nang halos isang oras, nailagay ko na ang lahat ng mga libro sa bookshelf.
When I was about to leave the room, may napansin ako sa loob ng kahon.
May natira pa palang libro.
Kulay dilaw ang pabalat nito.
May lock sa gilid para hindi mabuksan. Pero dahil luma na ang libro, nasira na ang lock at kinalawang. Madali ko nalang nabuksan.
I almost gasp when I realized what I'm holding right now.
My diary.
The diary I thought I lost.
The diary that reveals all my stories from the past.
Ang diary ko... no'ng 2nd year college pa lang ako. My diary when I was 18.
My diary when I was a feeble.
The Diary of a Feeble.
---
Diary of a Feeble by abdiel_25.
Considered as Version 2, Revised Version.Original Version was posted year 2016 and will no longer be available. Yet, this Revised version didn't affect much of the story's plot.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...