August 27, 2016
Pagka-uwi ko sa bahay galing plaza, nakita ko si Daddy sa kusina.
Nagluluto siya para sa dinner.
Napatingin siya sa akin at ngumiti.
Tinanong niya ako kung kamusta si Sandy. Kung kamusta ang gala namin. Kung naging masaya ba ako ngayong araw. Kung kumain na ba ako, kung gutom na ba ako.
Kung gusto ko ba siyang sabayang kumain.
Pero sa dami ng mga tanong niya.
Wala akong sinagot.
Tuluy-tuloy lang akong pumasok sa k'warto, at walas habas na sinara ang pintuan.
Ngayon, nandito ako sa study table at nagsusulat sa'yo.
Na hindi naman gawain ng mga lalaki.
Diary.
Putangina.
Kabadingan.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
ПриключенияHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...