Twenty-first Page / December 18, 2016

228 35 9
                                    

December 18, 2016

Christmas party.

Um-attend ako.

Gano'n ako katapang kahit pa no'ng huli akong pumunta sa school, I think, a month ago? Binato ako ng cutter. Gano'n na yata katigas at kamanhid ang puso ko para pumasok pa sa school.

Pero para kay Sandy, pumunta ako.

Med'yo broken hearted kasi siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya tanggap na ayaw ni Chad sa kaniya. So in order to make her happy, sumama ako sa party ngayon. And I saw how happy she is. I'm contented. Bawi ko na rin sa kaniya 'to dahil ilang linggo akong hindi makausap ng matino. Hindi ko siya nakakasama, at kung magkasama man kami, madalas hindi ko siya kinakausap.

Pero honestly, I'm listening to her.

Kaya nga alam ko na may nanliligaw na sa kaniya. Pero ayaw niyang I-entertain dahil si Chad pa rin ang laman ng puso niya.

I think she fell hard.

The day is smooth. Walang kahit sinong umaway sa akin. Siguro dahil christmas party ngayong araw. Pero that doesn't mean na walang nagbigay sa akin ng death glares. Everybody does. Lahat sila pinapatay ako sa tingin. Akala naman nila naiinis ako sa ginagawa nila. Baka mas natuwa pa nga ako kung talaga nakakamatay ang mga titig nila.

Nothing special happened today.

Oh.

I remembered.

The girl in the NBS, is Michelle.

Michael's sister.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon